Kabanata 1 : Isang masayang araw na may masamang balita

Laging sinasabi ng mga kamag-anak at mga kaibigan ni Arman na siya ay mag-asawa na. Siya ang pinakamatanda sa mga magpipinsan pero ang mga nakababata pa ay nauna nang magpakasal at mag-asawa. Kinukuha nga siya madalas na maging ninong ng mga pamangkin at best man naman sa mga kaibigan na lumalakad na rin sa altar. Ilang beses na rin siyang nagpalit ng barong tagalog at ang iba ay ipinamimigay na lamang niya.

Mahusay siyang nakaupo sa sala habang nanunuod ng pelikulang Vic Sotto. Pirated ang binili niya kaya may kaingayan masyado ang palabas at medyo Malabo. Biglang tumunog ang kanyang Blackberry phone, tanda na may tumatawag.

“Hello, Catherine. Bakit?” Kilala niya ang kausap batay sa pangalang nagregister sa cellphone.

“Arman, pwede ka bang maimbitahan?” Mahinang boses ang lumalabas kaya pinindot niya ang “loudspeaker” button ng cellphone.

“Sige, saan? Anong okasyon?” Tumayo na siya.

“Best man sa kasal ko.”, napatawang sabi ni Catherine na bahagya pang diniinan ang pagkabigkas ng salitang kasal. Si Arman napasimangot.

“Aba teka. Tila ‘ata nag-iba na ang ihip ng hangin”

“Syempre, gusto ko na ang may kasama sa buhay, kasiyahan at para may katabi sa gabi.” Tumawa silang dalawa.

“ Ikaw talaga. Sino pala ‘yang malas, este swerteng lalaki na ‘yan.” Medyo may tawanan pa rin.

“Edi yung best friend mong si Dave.” May pagmamalaki sa boses ni Catherine.

“Sinong Dave? Wala naman akong kilalang Dave.”

“Yung uhugin nung high school. Kaya nga kayo best friends eh.” Nadagdagan pa ang malakas na tawanan. Napaubo tuloy si Catherine.

“A, oo, si Darwin Dave. Aba talagang magaling kang pumili a. Isang uhugin at isang lugain, pagsasamahin na ng panahon.” Sabay silang tumawa. Napatigil naman agad si Catherine.

“Hindi naman. Syempre, maganda pa rin talaga ang lola mo no.” May pagyayabang na tinig muli mula sa ikakasal.

“Magkita naman tayong tatlo. Hayaan mo, sagot ko.”

“Yehey! May pamasko agad si Ninong!” Tumawa ulit sila. Mahaba-habang tawa sa mahaba-habang usapan. Kinalauna’y, binaba na nila ang isa’t isang cellphone.

Binalikan ni Arman ang panunuod at nakita niya na may gumuguhit sa telebisyon at pangit na ang tunog tanda na “gumagaralgal” ang pelikula.

Ang masayang timpla ng mukha ni Arman ay napalitan ng kalungkutan. Inimbitahan nanaman siya sa kasal – bilang best man. Kasal na hindi niya inaasahang mangyayari lalo na kay Catherine. Maganda naman ang kaibigan. Pero mababahiran na ito dala ng pag-aasawa. Kinagigiliwan pa niya ang kasiyahan nito. Pati ang maamo at maliit nitong mukha. Sayang at naunahan siya ng matagal nang best friend. May pagtingin kasi siya kay Catherine.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: