Rebyu sa Pelikula #1 : “Ganito Kami Noon. Paano Kayo Ngayon?”

Ang pelikulang, “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?”, ay sumasalamin at tumatalakay sa kung ano ang kalagayan o sitwasyon ng bansang Pilipinas at ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila at kalaunan, ng mga Amerikano.

Ang pelikula ay hindi nagpakita kung ano ang tunay na nangibabaw na damdamin noong panahon ng kolonyalismo ng mga dayuhan. Sa halip, nagkaroon ito ng ibang anggulo at pagtingin. Hindi lang nakita ang emosyon ng paghihirap, pagdurusa, labanan at kahirapan ngunit nagawang ipalabas ang kabilang mukha tulad ng kasiyahan at maaring, tagumpay lalo na sa lalawigan.

Naging liberal ang pelikula. Ipinakita nito kung ano ang dapat na ipakita. Ito ang nagbigay daan upang sabihing makatotohanan ang mga pangyayari. May mga halikan sa pagitan ng isang magsing-irog, totoong paghihipuan, pagpapakita ng ilang maseselang bahagi ng katawan at kung ano ano pa. Kung sabagay, nagawa ang pelikula noong mga panahong malaya ang paghuhubad at mabenta ang mga palabas na “bomba” o may kaunting “sexy” na mga tagpo.

Naging dinamiko naman ang pelikula. Ibig sabihin, gumagalaw ang palabas sa iba’t ibang dimensyon. Hindi laman umiikot ang istorya sa kung ano ang unang impresyon dito ng mga manunuod. May mga madamdaming tagpo. Mayroon naman na katuwaan. At lalong pinakita ang konsepto ng trahedya at komedya.

Sa isa pang pagtingin, ang pelikula ay ika nga naging “gender sensitive”. Ito ay kahit na walang pinakitang mga bakla o lesbyana. Naroon naman ang iba’t ibang uri ng tao sa lipunan ayon sa kasarian nila. Babae, lalaki, bata man o matanda.

Sa biswal na pagtingin, gumamit ng akmang mga kasuotan at kagamitan upang talagang maging makatotohanan. Akmang damit sa mga simpleng Pilipino, magagarbong kasuotan para sa mayayaman, mga “makapangyarihang” suot ng mga sundalo sa parehas na mga Pilipino at Kastila, at ang kasuotan ng mga matataas na tao sa lipunan.

Angkop ang naging lugar at kapaligiran na pinagyarihan ng pelikula. Ipinakita ang lalawigan at ang kalunsuran sa kung ano ang kalagayan noon. Tumutugma ang mga kabahayan sa parehong sitwasyon ng mga mahihirap at mayayaman.

Wala naman naging diskriminasyon sa pelikula ngunit hindi sa kwento nito. Lahat ng dapat na tumayo, lahat ng dapat makapagsalita ay nagkaroon ng pagkakataon. Ang mga Kastila, nagsalita. Ang mga Amerikano ganoon din pati na ang mga Instik at Pilipino. Pati ang mga bata, kriminal at mga bilanggo ay naging sentro rin ng atensyon. Hindi lamang tumuon sa kung sino ang mga pangunahing tauhan sa istorya.

Sa larangan naman ng pagpili ng mga pangunahin at di pangunahing tauhan, tumugma ito sa kung ano ang lahi. Kapag Kastila, mapapansin na mukhang Kastila o talagang Kastila ang gumanap. Totoong Amerikano naman ang tumayo  para sa kanilang panig. May lahing Instik ang kinuha para sa mga tauhan na Instik at syempre, tunay na mga Pilipino ang gumanap sa lahing Pilipino. Dahil dito, masasabing piling-pili ang mga tauhan. Lalo na at sila ang tunay na nagbibigay ng kulay at buhay sa kabuuan ng pelikula. Ilan sa mga tauhan ay naging sikat at nakilala sa kanilang henerasyon at magpahanggang ngayon tulad nina Christopher de Leon at Gloria Diaz.

Tunay na napakaganda ng pelikula. Ito ay umiikot sa buhay at pakikipagsapalaran ni Nicolas Ocampo o mas kilala bilang Kulas (Christopher de Leon) sa kanyang probinsya at kinalaunan, sa Maynila, kasama ang kanyang “sidekick” na si Bindoy (Dranreb). Dinala sila sa Maynila sa pamamagitan ng pagsakay sa bangka ng isang mangangalakal na Instik na si Lim. Sa Maynila, biglang yumaman si Kulas dahil sa kayamanan ng amang pari ni Bindoy. Iba’t ibang karanasan ang napagdaanan ni Kulas sa Kamaynilaan tulad na lamang ng mga pang-aapi, kasawian sa pag-ibig niya kay Diding (Gloria Diaz) at mga panloloko at pang-iisa ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang kanyang karanasan at kanyang nalaman sa panahon na iyon ay nagsilbing daan upang kilalanin ang tunay na Pilipino na siyang pinaka-mensahe ng pelikula.

Ang tunay na magandang pelikula hindi ang mga humahakot ng napakaraming gantimpala at parangal. Ang totoong magandang pelikula ay nagbibigay sa mga manunuod ng tama at tagos sa pusong mga mensahen. Ang magandang pelikula ay nagdadala sa tao upang mag-reak dito. Ang magandang pelikula ay nagpapatawa, nagpapaiyak, nagpapagalit at nag-iiwan sa mga tao ng mga mahahalagang mensahen na tiyak na matatandaan at hindi malilimutan.

Ang pelikulang, “Ganito Kami Noon. Paano Kayo Ngayon?” ay sumasalamin sa ating pagka-Pilipino at ito ay nakatatak na sa ating kasaysayan.

Kaunting Kaalaman:

Ang pelikula ay naipalabas noong kasagsagan ng Batas Militar sa Pilipinas (1976). Noong sumunod na taon (1997), ang direktor nito na si Eddie Romero ay tinanghal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula. Ito rin ay tumanggap ng napakaraming parangal mula sa iba’t ibang surian ng mga pelikula sa bansa.

Advertisements
Comments
3 Responses to “Rebyu sa Pelikula #1 : “Ganito Kami Noon. Paano Kayo Ngayon?””
  1. Harry says:

    I was searching for a movie review like this. Can I get this as a reference only? Don’t worry, I will recognize your name.

Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] Rebyu sa Pelikula #1: “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon” […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: