Hindi pa sapat

Matagal na akong hindi nakapagsusulat sa Philippine Collegian. Bad trip kasi ang scholarship na inaplayan ko. Bigla ba namang sinabi na  kailangan daw pumunta ng mga scholars sa Australia para sa orientation (lang). May dalawang article pa naman akong kailangang ipasa sa aking news editor (na siya ring editor-in-chief) noong mga panahon na iyon. Hindi ko nagawa ang article (tungkol sa Board Meeting ng Board of Regents at update sa kaso ni Dean Avila ng UP Cebu College). Nahiya na tuloy akong bumalik sa kinagigiliwan kong Kule dahil sa nangyari.

Noong unang sabak ko sa pagsusulat sa Kule (impormal at karaniwan na tawag ng mga taga-UP sa Philippine Collegian), medyo nahirapan ako. Kung tutuusin nga, may pagkadali-dali ang ipinapagawa sa aking article. Tungkol iyon sa mga sumikat at tumatak na quotable quotes ni PNoy mula nang siya ay maupo bilang pangulo ng bansa. Isa pa ay ang mga pangyayaring naganap sa buong 100 na araw ni PNoy. Kung ano ano nang website ang pinuntahan ko para may mahanap na mga quotes at mga balita. Tiningnan ko ang kopya ng kanyang speeches sa ilang mahahalagang pangyayari na kanyang pinuntahan, courtesy calls, ambush interviews at kung ano ano pang appointments ng pangulo. Binisita ko rin ang website ng ilang pinagkakatiwalaang news organizations at media sa bansa. Pero bigo ako na gawing perfect ang unang article ko. Failed.

Tuloy pa rin ang buhay kahit hindi okay ang una kong article. At least, nai-publish iyon at nakita sa buong Pilipinas ang aking pangalan. Pangalan lang pero nakahihiya man sabihin, hindi akin ang malaking porsiyento ng article na iyon o hindi sa akin ang article na iyon.

Inaamin kong wala pa akong sapat na training sa pagsusulat, lalo na ang pagsusulat ng balita. Hindi pa pala sapat ang pagsusulat ko ng mga kolum sa aming opisyal na pangmag-aaral na pahayagan noong high school. Wala pa sa kalingkingan ng Kule ang high school news paper namin. Dahil sa aking naranasan sa Kule, lalo pa itong nanghikayat sa akin na pagbutihin ang pagsusulat. Ang pagsusulat kasi, kapag iisipin, isang napaka-propesyunal na bagay. Pero kahit sino naman pwedeng sumulat. Sa antas lamang ng nalalaman ang pagkakaiba ng propesyunal at ng karaniwang tao.

Sabi ko nga, gusto ko bumalik sa Kule. Hindi lamang kasi ito usapin ng pagkakaroon ng idadagdag na karanasan sa resume (ayon sa sabi ng aking mga na-recruit na sina Elizabeth at Rachel). Pumasok ako sa Kule para maging makabuluhan ang aking buhay-UP at para mapatunayan na kaya kong sumulat. Sumulat na walang humaharang. (Subukan lang nila!)

Advertisements
Comments
6 Responses to “Hindi pa sapat”
  1. Mas mahirap talagang magsulat kapag tungkol sa balita…pero kung malikhain ang pagsusulat (creative writing), may kalayaan ang manunulat.

  2. Marjohara says:

    Bakit hindi ka bumalik?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: