Shipping

Isa sa mga topic na tinalakay sa klase namin sa Panitikan ng Pilipinas 17 (Kulturang Popular) ang ideya ng Shipping. Sa ideyang ito, may pagtatambalin kang dalawang tauhan na may magkaibang katangian, anuman ang kanilang kasarian upang may lumitaw ulit na panibagong mukha.

Ilan sa aking mga naisip na pagtambalin ay ang nakasulat sa ibaba.

Local na Palabas: BUBBLE GANG

DIEGO – MYKA

Salamat sa photo. Please let me know.

Napaka okay talagang pagtambalin sina Diego at Myka. Silang dalawa ay masasabi nating hindi nabiyayaan ng kagandahan. Ito ang naging dahilan upang sila ay gawing katatawanan sa Bubble Gang na talaga namang pumatok sa marami. Malay natin sa mga susunod na panahong pag-ere ng Bubble Gang, sila naman ang gawing bida bukod pa kina Bitoy at Ogie. Okay ding magkaroon sila ng love sa isa’t isa. Iyan yung tipong kapag magkakalikan na sila sa umpisa ay nangdidiri pa sila sa isa’t isa. Nakahanda na ang nguso ni Diego para agad na abutin ang labi ni Myka at biglang sumabog ang mundo.

RUFFA MAE QUINTO – MAURENE LARAZABAL

Salamat po sa photo. Please let me know.

Sila yung dalawa sa marami raming cast sa Bubble Gang na may malaking hinaharap. Sila yung dalawang babae na kapag Bubble Gags na ang segment, may laging biro sa kanila na ang tapang tapang nila kasi may malaki silang dibdib. Pwedeng pwede silang pagtambalin. Siguro kapag maghahalikan na sila, kailangan hindi sila sabay maghalikan. Kapag nangyari yun, hindi nila magagawa ang maghalikan dahil may malaking harang. Parehas silang din silang hot. Paano kaya kung silang dalawa ang nasa Bubble Gags segment, sino kaya ang mas matapang sa kanilang dalawa? Hindi marahil magtatapos ang kanilang career dahil may malaki silang hinaharap.

WENDELL RAMOS – ANTONIO AQUITANIA

Salamat po sa photos. Please let me know.

Sina Wendell at Antonio ay ang dalawang macho cast sa Bubble Gang. Sila ang dalawang cast na laging ipinagpapares kina Diego at Myka kapag Bubble Gags segment na pero ilag ang dalawang lalaki sa dalawang pangit na kunwari gusto silang halikan. Maaari din silang pagtambalin at sila yung tipong kapag may love scene, pwede nilang basagin ang kanilang pagka-macho man. Dadamhin lang nila ang abs ng isa’t isa at magfe-feeling na boobs o dibdib yun ng isang babae, halimbawa kay Maurene. Susubukan din nilang gawin ang fireman’s carry kapag nagkataon. Kaya naman nilang buhatin ang isa’t isa with matching halikan.

Foreign na Palabas: HARRY POTTER SERIES

HARRY – HERMIONE

Akala ko talaga o nang marami (ayon sa aking paghahanap sa net) na sina Harry at Hermione talaga ang magkakatuluyan. Pero ang ganitong pag-iisip ay makikita sa palabas at hindi dun sa libro. Nagawang sirain ni J.K. Rowling ang pangarap ng fans nina Harry at Hermione n asila ang magkaka-asawahan sa bandang huli. Bagay silang pagtambalin. Matalino si Hermione at medyo aanga anga naman si Harry kahit na siya ang bida. Minsan, sila lang dalawa ang naghahanap sa mga misteryosong bagay at malay natin, sa isang madilim na sulok ng Hogwarts nila gawin ang magniig.

ALBUS DUMBLEDORE – SEVERUS SNAPE

Oh. They know “shipping”

Silang dalawa ang nagbabantay kay Harry sa kanyang buhay-Hogwarts. Medyo sa hitsura palang, masasabi mo na mukhang bading si Snape (sa akin lang ‘yun). At nagkaroon din ng isyu si Dumbledore, sa totoong buhay, na siya ay bading din. Hindi katakataka kung sila naman ang pagtatambalin. Maraming tagpo sa libro at pelikula na sila lang dalawa ang nag-uusap at nagpaplano. Pwede nilang gawin dun ang dapat nilang gawin. Gagawa muna si Snape ng isang potion para maging agresibo silang dalawa ni Dumbledore. Sasabihin naman ni Dumbledore ang Wingardium Leviosa para sa hangin nila gawin ang magniig.

MRS. WEASLEY – BELLATRIX LESTRANGE

Sila yung dalawang tauhan na mahigpit na magkaribal sa libro at pelikula sa huling bahagi ng Harry Potter Movie Series. Kung tutuusin, pwede din silang pagtambalin. Magkakaroon ng kaisipan na, “The more you hate, the more you love”. Sa palabas kunwari nag-aaway sila o nagsasabunutan tapos biglang hihilain ni Bellatrix si Mrs. Weasley sa isang sulok ng Hogwarts. Hindi sila dun maglalaban kundi magyayakapan. Parehas naman silang kulot at baka kapag hinalikan nila ang isa’t isa, maging straight ang kanilang mga buhok. Pwede rin yung eksena na habang naghahalikan sila, na-realize nila na galit pala sil asa isa’t isa at nagkagatan na lang sila.

Advertisements
Comments
3 Responses to “Shipping”
  1. I like dis! :)) Anong ibig sabihin ng ‘magniig”?

  2. yestorandom says:

    OMG. I think. Ewan ko ba. Ayokong ilagay dito. #6x ~ gets?

Trackbacks
Check out what others are saying...


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: