Si Eba Aurora : Ang Batang Taon ang Binibilang bago Maligo

Kilala n’yo ba si Eba? Eh si Eba Aurora? Oo, iisa lang sila. Pero kilala n’yo ba siya? Hindi n’yo talaga kilala ang anak ng isang masipag na kartero na pinikot ng isang halapirot na labandera noong kasagsagan ng Martial Law sa Pilipinas? Ay hindi pala, noon palang nangyari ang pinakamalaking dayaan sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas noong panahon ni Elpidio Quirino. Ewan ko na lang kung hindi n’yo pa talaga makilala at maalala si Eba Aurora.

(Hindi nga sabi eh)

O sige. Basahin n’yo na lang ang kwento ni Eba.

Bata pa lamang si  Eba Aurora, kinakitaan na siya ng pagiging tamad maligo. Teka, bago pala siya maging bata, nahirapan na muna si Aling Mistika sa panganganak sa kanya. Totoo nga na nakasalalay sa mga ina ang magiging itsura o kalagayan ng anak kapag nailabas na ito. Ang problema, nahawa si Eba Aurora sa kanyang ina na hindi naligo ng 9 na buwan noong pinagbubuntis siya.

Nang lumaki si Eba Aurora, syempre, kinailangan niyang makapag-aral tulad ng ibang bata sa kanilang lugar. Sa kasamaang palad, kinakitaan din si Eba Aurora ng pagiging mahina sa klase. Lagi siyang nakapwesto sa pinakasulok ng silid-aralan. Kung minsan naman, tulad noong binagyo ang kanilang lugar at nasira ang mga silid-aralan na hindi pa maayos-ayos ng lokal na pamahalaan at noong nagklase sila sa ilalim ng puno, pinili ni Eba Aurora na puwesto na lang sa isang malaking tipak ng troso malapit sa pinagdadausan ng kanilang klase. Pinagtitinginan na lang siya ng kanyang mga kaklase at ang guro naman niya, kahit hirap na hirap na at pinipilit pa ring magturo kahit maliit ang sweldo o kung minsan, wala, hinihikatyat pa rin siyang makihalubilo sa klase.

Nakakaintindi naman kahit papaano si Eba Aurora ng mga aralin. Pero ayaw niya talagang sumali sa talakayan. Inaasar lang siya ng kanyang mga kaklase kapag sumali siya. Nasasaktan na ang damdamin ni Eba Aurora. Noong minsan ngang pag-aalaga sa sarili ang kanilang aralin, napapaloob sa asignaturang Sibika,  bigla na lamang siyang nagwalk-out sa klase at umiiyak na pumunta sa likod ng paaralan. Mabuti na lamang naroon din sa lugar si Butchok dahil naka-duty siya noong araw na iyon bilang parusa sa palagiang pagka-cut ng klase. Siya rin ang crush ni Eba Aurora. Nakita ni Eba ang kanyang crush at lalo pa niyang nilakasan ang pag-iyak para marinig ni Butchok. Lumapit ang si Butchok sa umiiyak na si Eba Aurora at tinitigan lamang ito. Naramdaman ito ni Eba at agad siyang tumakbo pauwi sa kanilang bahay.

Dalawang linggo ang lumipas bago humupa ang hinanakit ni Eba Aurora sa hindi malamang tao. Nalulungkot pa rin talaga si Eba. Wala siyang mapagsabihan ng problema dahil naglalaba pa kanyang ina at kung saan saan naman nagpupunta ang kanyang ama. Naiinggit siya sa ibang bata na may magulang na lagi nilang kapiling.

Labindalawang taon na si Eba at noon pang pagkatapos na pagkatapos ng pagiging sampung taon siya huling naligo. Wala pa ring nagbabago sa kanya. Isa pa rin siyang mabahong bata na hindi nakikisalamuha sa ibang bata at tinatamad nang pumasok sa paaralan dahil sa mga pang-aasar. Hindi niya tuloy naramdaman ang pagiging bata. Naiinsecure siya sa ibang batang babae na kung pumorma ay nakasuot ng ‘pekpek’ shorts, naka-boots na 6 inches ang taas, naghilamos ng make-up, may sun glass na kulay pink,  minsan kulay pula o dilaw at may hawak na cellphone. Gusto sana ni Eba Aurora na maranasan man lang ito. Sa papaanong paraan, hindi niya alam. Kapag naging labing-anim na taon pa lang siya, sabi ng kanyang ina, pwede na siyang mag-asawa ng Kano para yumaman sila.

Naisip bigla ni Eba Aurora ang sabi ng ina tungkol sa pag-aasawa ng Kano. Dapat ngayon pa lang ay makaligo na siya at bumango. Kailangan niyang magpalit ng bihis. Oo. Naisip niyang maligo. Pero noong mga oras na iyon, naalala niya, wala pala silang malinis na tubig, labindalawang taon na ang nakararaan.

Advertisements
Comments
One Response to “Si Eba Aurora : Ang Batang Taon ang Binibilang bago Maligo”
Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] Si Eba Aurora: Ang Batang Taon ang Binibilang Bago Maligo […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: