DOUBT DORM

 Oo. Nag-aalinlangan ako lalo na sa isang bagay. Ang bagay na iyo ay kung magdo-dorm ba ako next school year.
 Natanggap na ng Office for Student Housing ang dorm application ko, online. Natuwa pa ako nung lumabas na agad yung result at sinuwerte akong malagay sa High Priority list. Nakakuha ako ng 85%. Ang susunod na gagawin ko lang ay bumalik balik sa website (dormapplication.upd.edu.ph) para i-confirm ko ang application ko.

Sinabi ko sa magulang ko ang tungkol sa balak kong mag-dorm. Una, hindi sila pumayag. Pangalawang usapan, pumayag na sila. At ngayong pangatlo, hindi na lang daw ulit.

Ganun na lang ang kanilang reaksyon dahil na rin sa impluwensya ng balita. Marami na kasing krimen ang nangyayari ngayon lalo na sa pinapasukan ko. Natatakot sila at ganun din naman ako.

Ang problema, nagco-commute ako papunta ng campus at iniisip ko na mas delikado pa nga iyon. Sinabi ko naman sa kanila na kaya ako magdo-dorm ay napapagod na ako. Hindi biro ang tatlong sakay araw-araw ng maaga para makapasok. Traffic na, nagsisimula pang magmahal ang pamasahe.

May maganda namang mangyayari kung magdo-dorm ako. May mga hindi rin maganda. Una, nakakaramdam ako ng homesickness. Madali kong maalala ang bahay namin. Nasubukan ko na ‘yan nang minsang sa opisina ng Philippine Collegian sa 4th floor ng Vinzon’s Hall ako natulog dahil kailangang tapusin ang news article ko. Hindi ko tuloy nagawa ng maayos yung article kasi may inaalala ako, may umaalala sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran. Hawak ko pa rin naman iyon eh. Ang hirap lang talaga magdesisyon. Sa June 4 na ang check-in date. Pero hindi pa ako handa.

Nakalimutan ko palang banggitin – tanggap pala ako.

Advertisements
Comments
One Response to “DOUBT DORM”
  1. sayang ang pagtanggap sa dorm 😦 alam ko yung pakiramdam mo dahil nakakapagod talaga ang araw araw na uwi. Yung tipong pagdating mo ng bahay bagsak ka kaagad at matutulog dahil sa pagod ng commute at traffic at dami ng tao pauwi.

    Ako ayoko pang magdorm eh yung mama ko sabi sa akin gusto niya daw ako makita araw-araw at kumpleto kaming magkakapatid.

    Ang hirap…
    Ang minsang halos dalawang oras na commute papunta at pauwi, nalaan na sana sa pagpapahinga at school works.

    Pero part ‘to ng challenge…? di ba?

    Good luck! ^ u ^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: