KASAYSAYAN 1

Professor/Instructor: Prof. Digna B. Apilado

Yung mga panahong hindi pa ako pumapasok sa UP at tinitingnan ko ang mga GEs na pwedeng kunin, sabi ko, unang una kong kukunin ang KAS 1 ~ Kasaysayan ng Pilipinas. May high school background naman ako dito kahit papaano.

Pero ibang iba pala talaga sa UP. Kakaiba ang paraan ng pagtuturo. Sa Kas 1 nga, nagkaroon ng mas malalim na pagtingin sa kasaysayan ng Pilipinas. Chronological talaga ang sistema – mula sa pre-kolonyal na panahon hanggang sa kontemporaryong mga kaganapan.

Sabi sa mga nababasa kong forum, sa GE daw na ito nagkaroon sila ng field trip. Karaniwan sa Bataan, sa Mt. Banahaw o sa Bulacan. May gagawin na application ng mga natutunan. Parang ganun. Ang malungkot nga lang, hindi kami umalis ng PH 126. Wala kaming field trip. May katandaan na rin kasi si Ma’am. Pinadalaw niya na lang kami sa mga museums at pinagpasa kami ng papers tungkol sa mga nakita sa doon.

Si Prof. Apilado magaling siya kung magaling. Medyo may pagka-subjective nga ang pagtuturo niya ng kasaysayan kasi nagbibigay siya ng mga komento o opinyon. Pero madalas marami kaming natututunan dahil sa kanyang pagiging subjective. 8: 30 am ang start ng klase ko sa kanya. Pero hindi kailanman ako naantok. Kaabang abang kasi ang kanyang ituturo.

Para naman sa kanyang pagpapaexam, nagulat ako. First exam, hindi ko inaasahan na ganun kahirap (kung hindi ka nag-aral). Mala enumeration na identification. Kunwari: “Ano ano ang mga produktong dinala ng mga dayuhan sa bansa bago pa man dumating ang mga kastila? Isa-isahin aang mga produkto at ilagay kung saang bansa nanggaling ang mga ito” Medyo madali pa nga ito. Nasagot ko naman ito pero kulang pala ang sagot ko. Hindi naman mawawala sa isang Kas GE ang essay type exam pero madali lang naman.

Tumatanggap pala si Prof. Apilado ng latecomers. May kaklase nga ako na 9:15 am na dumating pero tuloy pa rin ang pagtuturo. Kapag late ka, magpapasa ka lang ng maliit na papel nakalagay ang pangalan mo at kung anong oras ka dumating.

Siya ang una kong prof. na nagpasa ng grade. Pero kakaiba daw siya sa majors niya. Late siya magpasa ng grades.

Kunin niyo siya kung gusto nyong matututo ng Kasaysayan ng Pilipinas at kung ayaw n’yo ng UNO.

Advertisements
Comments
2 Responses to “KASAYSAYAN 1”
Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] kong kinuha ang Kasaysayan 1 at Kasaysayan 2. Kung ang Kas 1 ay pagtalakay sa Kasaysayan ng Pilipinas, ang Kas 2 naman ay ang […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: