Uma-Anime

Noong bata ako, nakagisnan ko ng manuod ng mga anime. Lalo pa’t laging nakatutok ang aming telebisyon sa GMA 7. Ang istasyon na ito pa naman ang bumibili at nagpapalabas ng mga anime na talaga namang sumikat.

Sino bang hindi makakakilala kay Eugene at ang tatlo pa niyang kasamahan na may kakaibang kapangyarihan sa Ghost Fighter? Eh si Sangoku at ang mga dragon balls na pilit kinukuha ng mga nemic people sa DragonBall at DragonBall Z?. Well, ilang lang ‘yan sa mga sumikat at talagang tinangkilik ng mga manunuod lalo na ng kabataan.

Oo. Talagang na-impluwesyahan din ako sa panunuod. Halos araw-araw ko ngang sinusubaybayan. Noong mabalitaan at malaman ko na may DVD ng mga ito, sumadya pa ako sa Baclaran para lang makabili ng mga ito.

Iba kasi ang pakiramdam kapag nakakapanuod ka ng mga Anime na syempre nagmula sa bansang Japan. Napapabilib ako ng mga bida lalo na kapag may kapangyarihan sila na kakaiba. Naalala ko pa nun na nag “kakami kamiweyv” pa kami ng kapatid at mga kaibigan ko. Nagteteleport din kami kagaya ng ginagawa sa Dragon Balls.

Pero ang higit sa lahat ng aking nagustuhan ay ang anime na, “Detective Conan” o mas kilala sa iba na “Case Closed”. Ang galing galing talagang detective ni Jimmy Kudo. Dahil nga ata sa kanya, minsan ko nang pinangarap na maging isang detective. Pero napagtibay pa ito lalo na gusto ko na palang maging prosecutor. Araw-araw kong napapanuod ang Detective Conan noon. Kada araw ay kaabang-abang ang mga mangyayari at minsan, nalulungkot ako kapag “itutuloy” bukas ang episode. At kapag ganoon, nagi-imagine na ako ng mga pwedeng mangyari.

Talagang malakas ang impluwensya ng media sa buhay ng tao. Malakas ang impluwensya ng Anime sa bukay ko. Sana nga ay patuloy pa itong maipalabas para naman mapanuod ng mga susunod sa akin. Maaari kasing magsabi ang mga Anime na kailangan din naman ng mga bata ang magsaya at hindi lang puro pag-aaral. Kung sabagay, minsan, nai-aaply ng mga bata ang mga napapanuod nila sa telebisyon. Mabuti rin ang gabay ng mga magulang at sana wag pigilan ang mga bata na umanime din sila.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: