Ang Paborito Kong Kaaway

Kalalabas ko lang noon ng bahay nang biglang humangin. Dumaan lang pala ang aking mayabang na kaibigan. Pero hindi naman ako nilipad kahit mapayat ako. Mas malakas kaya ang hangin ko kaysa sa kanya pero hindi ko naman basta basta nilalabas. May tamang panahon ‘yan ngunit walang tamang lugar. Ang pagiging mahangin, karaniwan sa mga tao. Ma-pride ang mga tao lalo na ang mga lalaki.

Sige, balik tayo sa aking mayabang na kaibigan. Siya yung tipo ng taong nagmamayabang pero wala namang ibubuga. Puro hangin lang naman ang nasa katawan at utak niya. Kapag siguro nga tinusok mo siya ng karayom o isang matulis na kuko, lilipad siya at unti-unting mauubos at manghihina.

Yung mayabang kong kaibigan na ‘yon, hindi naman siya palaaway. Sa katunayan nga, ako ang gumagawa ng paraan para maaway ko siya pero siya naman ang nagbibigay ng motibasyon na magalit ako sa kanya, hindi nga lang niya pansin.

Yung mga katulad niyang mayabang ang paborito kong kaaway. Mayabang lang siya, tapos. Hanggang doon lang ang lahat. Ang mga mayayabang parang tricycle na kapag pumadyak ang driver, hindi gagana. May nakabara kasi kaya hindi maibuga. Kapag naman gumana na, isang malaking usok ang lalabas na mabaho pa. Magdududlot pa iyon ng cancer.

Ang mayayabang yung gusto-gusto kong awayin. Kapag wala akong magawa, kunwari sa school habang break pa, hahanap ako ng mga taong mayabang tapos aawayin ko yun hindi harapan. Sasabihin ko lang yung nararamdaman o gusto kong sabihin sa taong iyon sa isang taong katabi ko na kilala ko ng mga oras na iyon.

Paano kaya ang mundo kapag walang mayayabang? Hindi siguro gagalaw ang lipunan. Walang dahilan ang mga taong-anghel para umiyak o may maaway. Kapag nawala sila, hindi na balance ang lipunan. Kumbaga, sila ay parang mga buwaya na kapag inalis sa mga marsh, hindi na magiging pantay ang ecosystem sa lugar na iyon.

Teka, ano ba ang kayabangan na binabanggit ko rito? Ang vague kasi. Sige, ang mayabang na sinasabi ko rito ay ang mga taong mayabang sa salita. Yung nagpapabilib, kumbaga o yung tipong nagpapabilib na sinungaling pa. Sobra sobra na ata ito.

Naku, ang daming kayabangan sa mundo o maraming mayabang sa mundo. Makakasalamuha mo pa sila araw-araw. (Ayoko na magbigay ng halimbawa dahil alam mo na ang mga iyon).

Sabi ko nga kanina, lahat ng tao may kayabangan. Siyempre, nararapat lamang na ito ay maipagpag lalo na kapag may dapat ka ring pagsabihan nito na isang mayabang din.

Wala lang talaga akong magawa. Dahil pa doon sa mayabang kong kaibigan, nakagawa ako ng ganito. Ayaw ko kasing itago na mayabang talaga siya kahit kaibigan ko siya.

Dapat pala hindi ko na lang ito isinulat. Mapapahiya at masasaktan lang ako. Dahil huli ko na nalaman na paborito ko rin palang kaaway ang sarili ko. Mayabang din kasi ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: