Ang Tunay na Kapatid

Ang cool talagang kumuha ng mga GE subjects na tumatalakay sa buhay ng tao, lalo na ng mga Pilipino. Isa sa mga subjects na masasabing dito maika-klasipika na-take ko ay ang Araling Pilipino 12 (Suroy-suroy sa Wika, Panitikan at Kultura ng Pilipinas) . Natalakay namin dito ang tungkol sa Filipino Values at nabanggit na rin ang kapatid.

Ang mga kapatid ang pinakamalapit nating kapwa, bilang sila ay bahagi ng pamilya. Dahil sa mga kapatid o anak, mas lalong nagbubuklod ang pamilya at tumitibay ang samahan ng mga mag-asawa.

Dahil sa mga magulang, nagiging magkakamukha ang mga kapatid. Magkamukha sa pisikal na anyo, minsan sa ugali o pwede rin naman sa pangalan. Nagkakasundo rin sila sa mga gusto. Sa damit, sapatos, palabas, sports, kaibigan, music at iba pa ay nagkakasama-sama sila.

Pero sa mga magkakapatid, syempre, hindi maiiwasan ang kaunting hindi pagkakaunawaan. Hindi maiiwasan sa loob ng pamilya ang inggitan (ngunit hindi dapat). Inggitan sa maraming bagay. At habang lumalaki, mas lalong nagiging seryoso ang pag-aaway ng mga magkakapatid. Ngunit hindi man sila magkakabati, panahon na rin ang magdidikta na mapapatawad nila ang isa’t isa. Sila sila rin naman kasi ang magtutulungan balang araw.

Sa talakayan namin, nabanggit kung sino nga ba ang tunay na magkakapatid.

Ang sabi, kapag magkapatid sila sa ama, ibig sabihin, kapag nag-asawa muli ang kanilang ama at nagka-anak ulit sa panibagong iniibig, hindi sila magkapatid.

Bakit? Ang salitang “kapatid” kasi ay nangangahulugan na magkapatid sila ng pusod. Ibig sabihin, sa iisang ina.

Kapag magkapatid naman sila sa ina, magkapatid talaga sila.

Naiintindihan n’yo ba?

Sa pagtatapos, kahit ano pa ang sinasabi ng mga tao o kahit ano pa ang ibig iparating ng post na ito, basta’t naniniwala kayo na magkapatid kayo, wag kayong magpapa-apekto. Kahit kayo pa ay magkapatid na may magkaibang magulang.

Isa lang ang masasabi ko – Masarap magkaroon ng kapatid !

(Nakalimutan ko bang sabihin na lima ang kapatid ko? Bale, anim kaming magkakapatid. Opps, tunay na magkakapatid)

Advertisements
Comments
One Response to “Ang Tunay na Kapatid”
Trackbacks
Check out what others are saying...


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: