Si Tatang Matabang at si Asong Mabongga

Maglalabing-tatlong gulang noon si Tatang Matabang nang siya’y pinalayas ng kanyang ina. Ngunit sa katunayan, ina-inahan lamang niya iyon. Kaya iba ang trato sa kanya. Lagi siyang pinagmamalupitan at kailanman, hindi niya dito nakita ang pagmamahal ng isang tunay na ina.

Mula nang pinalayas si Tatang Matabang, minsan sa isang araw na lamang siya kung kumain. Pagala-gala na lamang siya sa kalsada. Nang minsang napadaan siya sa isang simbahan, bigla na lamang siyang pinagsasaktan ng mga pulubing bata. Teritoryo daw nila iyon. Akala kasi ng mga pulubi, mamamalimos din siya. Bumuhos ang kanyang luha.

Nagpatuloy pa rin ang buhay ni Tatang Matabang. Napalayas na nga siya sa kanilang tahanan,  nabugbog pa siya sa simbahan. Walang tumulong sa kanya o walang gustong tumulong sa kanya. Kahit na ang mga nakakakita ay kagagaling lang ng simbahan.Hindi nila inisip ang kawawang si Tatang Matabang.

Matapos niyang mahimasmasan, tumuloy siya sa paglalakad. Hindi niya namalayan na napadpad siya sa isang dog pound.

Nakita ni Tatang Matabang na may mga paalis na tao doon. Tinubos ng mga amo ang kanilang aso. Nakita niya ang isang kulungan na may aso pang natira. Cute ito kahit askal. Tahimik ang aso at malungkot. Nilapitan ito ni Tatang at sabay na kinausap na parang tao. Maya-maya’y, sumagot ang aso sa kanya. Nagulat si Tatang at bigla na lamang may malakas na lagabag na maririnig na animo’y may nahulog mula sa mataas.

“Wag mo nga akong kausapin.”, sabi ng aso kay Tatang. “Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Iyan ay dahil sa hindi pagtubos sa akin ng  amo ko. Wala siyang kwentang amo. Wala siyang awa sa akin.”

Tinahulan ng aso si Tatang na naglalakbay na ang diwa sa kung saan.

Nagpatuloy ng kwento ang kawawang aso.

“Noong una, gustong-gusto niya ako. Pero habang tumatagal, lumalamig na siya. Parang siya yung dati kong bf. Pareho lang talaga sila. Yung amo kong yun, walang araw na hindi ako inuutusan. Lahat ng bagay pinapa-abot sa akin. Tama ba naman iyon?.”

Nakatitig lang si Tatang Matabang sa aso. Parang nagandahan siya sa kwento ng aso kaya naisipan niyang umupo sa isang mas maliit na kulungan na nakapalag pero walang asong nakakulong.

“Sige, magkwento ka lang”, pakiusap ni Tatang Matabang.

“Teka, nasabi ko na ba sa’yo na isang maliit na pulitiko ang amo ko? Oo, siya yung isa sa mga kagawad sa lugar namin. Tingnan mo, kahit kagawad, lumalabag sa sarili niyang batas. Siya kaya ang nagpatupad na bawal ang mga aso sa kalsada. Lagi kasing tumatae yung mga pangit na aso. Pero hindi naman ako ganun ah. Minsan, ako pa nga ang nagpaparusa sa mga asong un. Pagpaparusa in the sense na hindi ko sila sinasagot kapag nanliligaw sila sa akin. Ay hindi pala sila nanliligaw. Gusto lang nila ay sex sa kalsada. Di ba kadiri yun? Yung mga asong pokpok lang naman ang gumagawa ng sex sa kalsada. Pero wag mo naman mamasamain ang sinasabi ka sa mga pokpok na aso ah. Hindi ko sila hinahalintulad sa mga pokpok na babaeng tao. Anyway, gusto ko naman yung asong may lahi. Type ko yung half-german, half-shepherd na aso. Ang cute nila and so very very hot.

           Teka, balik tayo sa amo ko. Ewan ko nga ba kung may ginagawa siya bilang kagawad. Nakakatawa nga eh. Wala siyang pondo. Lumaban laban pa siya eh noh. Ngayon, maiisip mo bata na hindi lahat ng pulitiko mayaman. Pero mayaman ang mundo ng pulitika. Samu’t saring problema ang mararanasan mo. Kailangan may pinag-aralan ka talaga. Madalang na lang ang mga pulitikong may pinag-aralan. Pero may mga instances na hindi naman kailangang maging matalino para mamuno. Pwede rin nating sabihin na hindi mo kailangang maging pulitiko o maging sikat para tumulong sa ibang tao.

            Noon ngang binalak ng amo ko na tumakbo, gusto kong sabihin sa kanya na sana hindi sa isang kagawad na posisyon. Walang pera doon. Walang pork-barrel na matatanggap. Natatanggap lang ata ng amo ko ay yung suhol sa mga illegal na perya sa lugar namin at suhol mula sa mga drug lords. Masaya nga dahil masarap lagi ang ulam ko pero hindi niya natutumbasan ang pagod ko mula sa pang-aapi niya sa akin. Feeling ko, ngayong hindi na niya ako kinuha, ayaw na niya sa akin.

            Nitong mga nakaraang araw, napansin kong naging malungkot na siya. Malapit na daw kasi ang eleksyon. Isang taon pa iyon pero kailangan na niyang magpabango ulit para maamoy na siya sa aming lugar. Kaya niya ata ako hindi na pinansin dito.Pero masaya ako dahil may napagbuhusan ako ng mga pinakatago-tago kong sekreto at masakit kong karanasan. Ikaw na magkwento, bata.”

Hindi namalayan ng aso na nakatulog pala ang kanyang kinukwentuhan. Naisipan ng aso na tahulan ito. Nagising naman si Tatang.

“Hoy, bata, ikaw naman magkwento.”

“Ay pasensya na pero hindi ako nakikipag-usap sa mga kagaya mo. At tsaka, wala naman akong ikukwento. Pangit ang karanasan ko. Mas pangit sa inaakala mo, kung may inaakala ka.”

“Sige, kung wala kang ikukwento, pwede bang malaman ang pangalan mo? Sabihin mo na rin yung facebook name mo para ma-add kita at twitter username para naman ma-follow kita. Teka, ako nga pala si Ason. May stress sa A ah. Tinawag ko ang sarili ko na Asong Mabongga, para tunog Asiong Salonga. Astig di ba?

“Ako naman si Tata. Tawag sa akin ng mga dati kong kalaro na sobrang miss na miss ko na ay Tatang Matabang. Lagi daw kasi akong nagtitimpla ng kape na matabang. Eh yun naman talaga ang gusto ko eh.”

“O, I see.”

“Teka, dyan ka na lang ba lagi sa kulungan na iyan. Gusto mo, magsama tayo?”

“Magsama?!? Yuck! Bata pa po ako. At di ba, sinabi ko naman sa’yo na gusto ko yung may lahi? At gusto kong yumaman.”

“ Gusto mong yumaman? Sige, kahit wala akong pera, pagmamahal ko na lang ang ibibigay ko.”

“Well, sige na nga.” At tumahol si Asong Mabongga ng malakas na malakas. Naalimpungatan ang batang sumasakit pa rin ang ulo dahil sa pagkakauntog. Nakita ni Tatang Matabang ang aso. May naalala siya mula sa kanyang pagkakauntog. Kinuha niya ang aso at sabay na umalis habang nagsasalita na parang may kinakausap.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: