EWAN. Hindi ko alam

Nabubuhay tayo ngayon sa mundo na halos advance na ang lahat dala ng teknolohiya. At patuloy tayong nabubuhay sa mundong marami pang katanungan na wala pang tiyak na kasagutan. Hindi ko na papatagalin pa ang gusto kong sabihin. Tungkol sa multo. Maniwala man kayo o hindi, basta paninindigan ko pa rin ang aking nakita. Narito ang kwento.

7:30 p.m. June 29, 2012, Tambayan Ruins, Palma Hall, UP Diliman

Nakalubog na ang araw nang tumambay pa kaming apat ng mga orgmate ko sa aming tambayan. Umalis na kasi ang iba naming kasama. Pinili naming apat na tumambay tutal Byernes naman.

Karaniwan na sa amin ang magtawanan tuwing tatambay. Syempre, pangit naman kung tahimik at magtitigan lang. Kumain din kami ng masarap na siomai. Nilabas ko naman ang natirang Coke. Sayang naman kung hindi maubos at maitapon lang. Nagpicture-picturan din kami.

Maya-maya, nagpaalam yung dalawa kong orgmate na babae. Pupunta daw sila sa banyo. Naiwan kaming dalawang lalaki sa tambayan. Nagkwentuhan muna kami. Ang topic nun ay tungkol sa ‘frat-war’ na nangyari noong mga panahon na iyon. Nakita daw kasi ng kasama ko na may komosyon sa kabilang parte ng Palma Hall. Matagal-tagal din bago bumalik yung dalawa naming kaibigan.

Mga 5 minutes ang lumipas, dumating na sila. Mga 8-10 steps mula sa mismong tambayan namin, agad na lumapit sa paparating kong mga kaibigan yung kasama kong naiwan. Sumunod naman ako. Pero nabigla ako sa nakita ko.

Nung nakabalik na ulit kami sa tambayan, agad kong sinabi sa kanila na may kanina pa nakatingin sa amin mula sa 4th floor ng Palma Hall. Natakot sila syempre. Hindi na ako mapakali noong mga panahon na iyon. Gusto nang umalis. Nakayuko na ako at yung mga kasama ko ay kumukuha na ng bag. Sinabi ko sa kanila na umalis na kami dahil pababa na yung nakatingin sa amin mula sa 4th floor. Pero medyo tumatawa-tawa pa ako para maging kalmado sila ng kaunti.

Sinabi na ng isa kong orgmate na itigil ko na ang pagsasalita. Itinigil ko naman at umalis na kami. Nahiwalay naman sa amin ang isa kong orgmate dahil iba ang way niya pauwi. Sinabi ko naman sa mga kasama ko na ikwento ko na sa kanila ang totoong nakita ko. Wag na raw. At hanggang maghiwa-hiwalay ulit kami, hindi ko na naikwento.

             Ang totoo, hindi mula sa 4th floor yung multo. Ang totoo, kasunod ng mga kaibigan kong babae na nag-CR ang multo. Noong sinabi ko naman na pababa na ang multo, ang totoo, umupo ito sa sementadong upuan sa gitna ng tambayan. Walang mukha ang babae. Nasabi kong babae dahil naka-mini skirt siya, nakasuot ng yellow na damit na may nakasulat na ‘flower’ at nakatali ang buhok.

Ayoko nang makita ang babaeng iyon o kung ano mang multo. Pero hindi iyon mangyayari dahil nabuksan muli ang third-eye ko.

Ang awkward lang ng pakiramdam na habang sinusulat ko ito, ako lang mag-isa sa bahay at tumataas ang balahibo sa batok ko. Nakakainis.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: