Mga Myths tungkol sa Preenlistment

(Myths talaga ang ginamit?)

Tapos na ang 1st semester pero hindi pa tapos ang mga exams, papers at projects ng ibang estudyante. Para sa inyo, “Goodluck at galingan n’yo. Kaya n’yo ‘yan. Sasablay din kayo!” Hahaha.

At kasabay ng pagtatapos ng semester ay ang pagbubukas muli ng “Preenlistment” module sa CRS.

Sa mga panahong ito, kanya-kanya na ang mga isko at iska (kasama na ako dun) sa pag-eenlist ng kanilang klase na smagtatakda kung ano ang magiging kalagayan natin sa susunod na semester. At sa mga panahon ding ito, lumalabas ang mga paniniwala tungkol sa pre-enlistment.

Nakalista sa ibaba ang ilang myths o paniniwala tungkol sa pre-enlistment. Para ito sa mga freshies o baguhan pa lang sa sistema. Pwede rin siguro sa mga “thunders” at nagfe-feeling freshies.

 

Pre-enlistment Myth #1: “Mage-enlist na ako ng maaga para makuha ko lahat ng gusto kong subjects”

Laging sinasabi na ang CRS Pre-enlistment ay hindi parang “first-come-first-serve”. Hindi ito parang pila na kapag pumila ka ng maaga, mauuna kang makapagbayad. Wag matutuwa kung ang napili mong klase ay wala pang demand dahil nga una ka. Kahit ikaw ang yung 1st sa demand, maliit ang chance na makukuha mo ang iyong subjects.

Aminin natin o hindi, may mga estudyanteng tamad magpre-enlist. Ang iba sa kanila ay nag-enlist isang araw bago magtapos o sa araw mismo bago magsara ang CRS pre-enlistment para sa batch run. Pero may chance pa rin silang mapili.

Wag ring magmadali sa pag-click ng Pre-enlistment sa CRS. Hindi ka naman makakapag-enlist kung hindi ka pa nag-SET at na-update ang iyong Profile. Kaya, goodluck sa ating lahat.

 

Pre-enlistment Myth #2: “750 na ang demand kay Prof. X. Wala na akong pag-asa na makuha ko pa siya. Sayang. Ang bait pa naman niya.”

Kahit gaano pa kadami ang demand, enlist lang ng enlist ng subjects. Wag magdadalawang-isip na pindutin ang “Add to my Desired Classes”. Hindi nga first-come-first-serve basis ang CRS kaya kahit ikaw pa ang pang-751 sa demand, may chance ka pa rin na makukuha mo ang subject na iyon.

Pero wag kalilimutan na magbasa muna ng mechanics. Nakalagay doon na every 4 demand, isa lang ang makukuha. May mga estudyante pa na nagco-compute at ginagamitan pa ng mathematical concept ang enlistment. Di ba ang galing. Sila na!

 

Pre-enlistment #3: “Hangga’t maari, ayokong makita ang “pre-enlistment field” ko na punung-puno ng kulay pink.”

Last year ang una kong pre-enlistment sa CRS. At kinakabahan ako nung mga panahon na iyo dahil punung-puno ng kulay pink ang preenlistment field/schedule/kung ano mang tawag dun. Kapag nangyari ito sa inyo, ibig sabihin may conflict (ignore this kapag alam nyo na).

Sabi nga “the more entries you send, the more chances of winning” di ba. Kaya enlist lang ng enlist. Pero wag kalilimutan na hanggang 20 subjects lang ang pwedeng mong i-enlist. So, magkakaroon ka ng 50-60 units. Ang masaklap lang ang 50-60 units na ‘yan ay magiging 3-21 units na lang o kung minsan 0 unit pa. Malay mo, pagtingin mo sa preenlistment mo, 0 unit pero may CWTS o PE (kay Prof. Cases pa di ba?). Mas okay na iyon.

 

Ngayong nalaman mo na ang mga preenlistment myths, mabuting ipagsabi ito sa inyong mga kaibigan para naman hindi sila napa-paranoid kapag nag-preenlist na sila. Wag ring magmadali o kabahan sa pag-preenlist. Sabi nga ni Ms. Mary Macapagal, (the Great), “Aral aral muna. Hanggang Oct. 19 pa naman ang preenlisment.” ((http://www.facebook.com/groups/updcrs/permalink/353278118099868/?comment_id=353291758098504&offset=0&total_comments=48 ) (at may second batch pa naman)

Goodluck sa ating lahat. Sa mga panahong ito, lumalabas ang quote na ito: “May the odds be ever in our favor” at kung ano ano pang quote. Minsan pa nga dinadaan sa mga Facebook meme. Magtiwala lang sa CRS. Kung last year, 0-3 units lang ang nakuha mo, malay mo ngayon 15 or 21 units na. Kung dumating na ang results at hindi ka sinuwerte, wag namang sisihin ang CRS. Sabi nga ni Ms. Mary Macapagal, (the Great), “Kawawa naman si Lolo Server”. (http://www.facebook.com/groups/updcrs/permalink/353278118099868/?comment_id=353313748096305&offset=0&total_comments=48 )

 

***Kung may nalalaman ka pang mga pre-enlistment myth, comment ka lang dito. Kahit anong comment, may TRO naman ang Cybercrime Prevention Law eh, pero be wise.

 

Sources/ Batis:

http://www.facebook.com/groups/updcrs/permalink/353278118099868/

www.crs.upd.edu.ph

www.crs.upd.edu.ph/preenlistment – Mechanics (dapat nakalog-in ka sa iyong account)

Kung may mga katanungan na related sa CRS or registration, mag-join ka dito sa Facebook group: UP Diliman CRS (Official Page). Siguradong may mga sasagot sa iyo tulad nina Ms. Mary Macapagal, (the Great) (quota na siya!), Sir Edge Angeles, Shippou Chan, Ramon Achilles De Guzman at iba pang mga tagapagpanatili nito (at ilang mga estudyante na maaaring alam ang sagot sa tanong mo o naga-alam alam lang).

Kung hindi related sa CRS, wag na magpost. Kundi, matatag ka dito: http://www.facebook.com/groups/updcrs/permalink/232536476840700/ – bit.ly/pasaway

Para sa mga tips, magbasa dito: Preenlistment at Pag-ibig

Advertisements
Comments
One Response to “Mga Myths tungkol sa Preenlistment”
Trackbacks
Check out what others are saying...


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: