Hindi ko alam kung ano ang ibibigay na pamagat sa tulang ito

Dumating na ang araw ng UPCAT sa may Diliman

Masaya ako at medyo kinakabahan

Dinagdagan pa ng napakalakas na ulan

Habang at pagkatapos ng napakahabang exam

 

Matapos ang ilang taon ay bumalik ako

Ang dami kong nasaksihan at napagtanto

Minahal ko na ang UP Diliman nang totoo

Labis na labis, oo sigurado ako

 

Pagpasok mo pa lamang sa University Avenue

Makikita na ang malawak na parang palayan, maraming damo

Kahit sa paligid maraming kabahayan at maalagang tao

Mararmdaman ang malinis na hangin, sobrang presko

 

Mas maganda kung Linggo ka pupunta

Maraming tao at kaunting sasakyan ang bumubusina

Magjogging at maglakad sa Acad Oval kasama ang sinisinta

Langhapin ang sariwang hangin, gayahin si Oble na nakatingala

 

Pwede ding pumunta sa napakagandang lagoon

Maghabulan sa batuhan at sa may batis doon

Kahit anong gawin, basta’t wag lang magtapon

Alagaan ang kalikasan, huwag iasa sa ating Poon

 

Bisitahin ang National Science Complex sa kanang bahagi

Mamamangha sa dami ng itinatayo at nakatayong gusali

Ang kalikasan ay inaalagaan ng tama at walang mali

Nasa mabuting kalagayan at hindi nakatali

 

Tingnan din ang Sunken Garden na napakalawak

Daan at libong tao pwedeng pwede tumapak

May naglalaro doon ng football at Frisbee kahit palpak

Pero hindi nila ito sinisira dahil tiyak na may lalagapak

 

Hindi lang kilala ang UP sa nakagandang kapaligiran

Tahanan din  ito ng matatalino at matatapang

Subukang dumalaw minsan sa Quezon at Palma na mga bulwagan

Malalaman mo iba ang tatak may silbi ang mag-aaral sa lipunan

 

Gusto mo pang manuod ng libreng pelikula?

Dalawin ang University Theater at tiyak na mamamahanga

Panuorin ang mga magagandang palabas kahit walang pera

Magpapicture pagkatapos sa Carillon Tower sa tabi lang niya

 

Ang UP Gym at ang Track and Field Oval dapat ding mapuntahan

Makakakita ng mga atletang makikisig at naggagandahan

Makakalanghap din ng sariwang hangin sa kalsada wag lang

Kahit malayo, sobrang ganda rin maraming puno’t halamanan

 

Igala lang sa buong UP ang paningin

Mapapawi ang pagod mo at hindi ka gugutumin

Sa tabi-tabi lang ay may masasarap na pagkain

Subukan ang pansit na may kwek-kwek na mumurahin

 

Tunay ngang mabuting puntahan ang lugar na maka-kalikasan

Sa gitna ng pag-unlad ay nananatili pa rin ang kagandahan

Mabuti na lamang at lahat ay nakikipag-ugnayan

Bisitahin na ang UP, mapa-Los Banos, Baguio, Visayas man o Diliman

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: