Kasaysayan 2

Professor/Instructor: Prof. Maria Luisa De Leon-Bolinao

 

Sabay kong kinuha ang Kasaysayan 1 at Kasaysayan 2. Kung ang Kas 1 ay pagtalakay sa Kasaysayan ng Pilipinas, ang Kas 2 naman ay ang Kasaysayan ng Asya. Dito, tinalakay ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ng Asya bilang ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang Asyano at kung paano nakakaapekto sa bawat bansa ang mga nangyayari sa ibang bansa.

May malalim na pagtalakay si Ma’am sa kasaysayan ng Asya mula sa mga sinaunang tao. Tinalakay ang Neanderthal Man, Tabon Man, ang mga Homo, si Lucy at ilan pang mga itinuturing na ninuno ng mga tao.

Pagkatapos niyang magturo ang kasaysayan ng Asya mula mga sa mga sinaunang tao hanggang sa kung papaano nabuo ang kontinenteng Asya at Pilipinas, reporting na ang sumunod.

Bumuo si Ma’am ng grupo na may lima hanggang anim na miyembro depende sa bilang ng mga mag-aaral. Alphabetical ang kanyang paraan kaya hindi na kami nagbilangan. Pagsasamahin niya ang magkakagrupo sa isang hilera ng mga upuan.

Group 2 ako kaya sa 2nd row kami. Nabigay sa aming paksa ang pagtalakay sa kasaysayan ng Timog Asya hanggang sa kasalukuyan.

Hindi na nagdiscuss si Ma’am ng ibang mga bagay-bagay tungkol sa mga rehiyon ng Asya. Sa reporting na lang talaga naka-depende ang iyong matututunan.

Ang technique, gagawa ng papers lahat ng estudyante isang buwan bago magsimula ang reporting. Kapag na-approve na ni Ma’am ang gawa mo, tsaka ka pa lang magpapa-photocopy ng iyong papel na kakasya sa lahat. Kapag yung isang grupo na ang magrereport sa susunod na meeting, kailangan mo nang basahin yung papers nila. Ito ay para makapag-review ka sa quiz show. Ang quiz show ang isang game quiz na may mahalagang papel sa grades mo. 25% lang naman ito kaya dapat magreview. Wag mag-alala dahil group ang pagsagot sa difficult level at individual naman sa easy at medium level depende sa estilo ng magrereport. Pero kung ano ang magiging performance mo as an individual kapag sumasagot, maaapektuhan ang grades ng group.

Istrikto si Ma’am pagdating sa late at absences. Kapag late, – 1% sa grade at kapag absent naman, 2% kada absent. Pero nagbibigay siya ng plus kapag 0 absences.

Kung tatanungin n’yo ako kung may natutunan ako, oo meron naman pero hindi ganoon katindi. Naka-upo lang kasi si Ma’am kung magturo pero magaling naman.

Kunin n’yo siya kung gusto niyo ng katamtamang pagpapakamatay sa UP.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: