Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay: Isang mala-supporting na Rebyu

Hindi ko alam na showing na pala ang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay nang pumunta ako sa mall. Pero mga ilang linggo lang ay shinare ko sa Facebook ang poster ng pelikula. Kahapon, naisipan kong manuod naman ng isang hindi mainstream na pelikula o tinatawag na independent (indie) film.

Ito ang opisyal na poster ng pelikula na nakuha ko lang sa Google images

Ang pelikulang, Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay, ay tumatalakay sa buhay ng matandang artista na si Lilia Cuntapay. Dito ipinakita kung ano ang buhay ni Lola Lilia sa likod ng makapal na make-up at kamera. Hindi siya gumanap dito bilang isang extra na dumaan lang sa kalsada o nakalugay ang mahaba at maputi niyang buhok para manakot. Sa puntong ito, siya ang bida.

Walang nakakakilala sa kanya hanggang hindi naipakikita ang kanyang larawan o hindi ilalarawan ang kanyang anyo. Sino nga ba naman ang makakakilala sa matandang ito na laging nakasuot ng makapal at pangit na make-up o kaya nahagip lang ng kamera? Pero sa pelikulang ito, nabigyan ng ibang anggulo si Lola o Nanay Lilia.

Nagulat lang ako nang hindi pala isang kumpletong pelikula ang Six Degrees of Separation. Para itong dokumentaryo (o dokumentaryo na nga) na may ifefeature lang na isang tao o bagay. Agad itong mapapansin sa unang bahagi kung saan kinakapanayam si Peque Gallaga, ang direktor ng Regal Films’ “Shake, Rattle and Roll 1” kung saan unang napansin si Nanay Lilia. Medyo naboringan ako nung una at medyo nanghinayang sa Php 170 na binayad ko. Pero nagkamali ako.

Sa pagdaloy ng pelikula, hindi na dokumentaryo ang mapapanuod kundi isang dokumentaryong pelikula – may drama, may emosyon, may aksyon, may gumagalaw, may sariling kwento. At miminsang mawawala ang pagka-dokumentaryo nito.

Kung gusto mong lumuha (pwede ring umiyak), panuorin mo ito. Kapag umiiyak na si Nanay Lilia, madadala ka ng emosyon. Ang lupit nga talaga. Kapag napapanuod kong umiiyak si Vilma Santos o si Kris Aquino, hindi ako nata-touch pero iba talaga ang dala ng pag-iyak ni Nanay Lilia. Parang may magnet na humihila sa luha para túmulo. Ito ay kahit isantabi pa ang katotohaanang true-to-life story ang pelikula. Siguro pwede ring dahil si Lilia Cuntapay mismo ang umaarte ng kanyang buhay.

Kung manunuod, abangan ang mga eksenang (1.) Kinakausap niya ang kanyang anak-anakan sa telepono ng ilang beses o kahit anong eksena na hawak niya ang telepono; (2.) Umiyak si Nanay Lilia nang mag-isa dahil hindi niya nakita ang kanyang interview sa isang programa; (3.) Bumaba si Nanay Lilia sa American Embassy at pagbalik ng eksena sa bahay, umiiyak siyang mag-isa dahil sa natanggap na passport at visa; (4.) Pabalik-balik siya sa bahay ng kapitbahay na may telepono at nagtatanong kung may tumawag para sa kanyang talent na nagpapaliwanag kung gaano kagusto ni Nanay Lilia na magtrabaho at syempre, kumita; (5.) Nalaman niya na hindi siya ang nagwagi sa 16th AFTAP Awards kung saan nominado siya sa Best Supporting Actress category at ibinahagi sa kanya ni Rio Locsin, ang nanalo, ang award; (6.) Lahat ng eksenang walang tawanan, mapapaluha ka. Pramis.

Maganda ang pagkakagawa ng pelikula. Talagang nagawa nitong iparating kung ano ang pagpapakahulugan ng direktor sa pamagat nito. Tinalakay ang pagiging artista ni Lilia Cuntapay. Magsisimula pa sa paghahalintulad ng direktor sa kanya kay Kevin Bacon. Si Kevin Bacon ay isang artista sa Hollywood na kilala ng lahat at nakatrabaho na ang ilang malalaking artista doon. Si Lilia Cuntapay ay ganoon din naman. Ang pagkakaiba nga lang ay hindi siya sikat, hindi masyadong kilala. Kaya sa huli, mapupunto ang “Kevin Bacon’s Six Degrees Separation from Lilia Cuntapay”.

Kung susuriin ang pamagat, maaaring ganito ang magiging implikasyon, ayon sa aking pagaanalisa. Sa puntong ito, tanggalin muna natin ang “…Separation from Lilia Cuntapay”. Kapag tinanong ako kung sino si Lilia Cuntapay, wala akong maisasagot. Hindi ko siya kilala pero naririnig ko lang na isa siyang matandang babae.

Isang aproksimasyon sa 6 degrees. Napakaliit lang tulad ng kung gaano kaliit ang kaalaman natin kay Lilia Cuntapay.

Nang mapanuod ko ang “Six Degrees Separation from Lilia Cuntapay”, ang 254 degrees ang magiging bahagi ng kaalaman kay Nanay Lilia. Samakatuwid, tunay ngang inilalapit ng pelikula ang mga tao sa kanya. Unti-unti siyang makikilala habang pinapanuod ang pelikula.

Ang dilaw na bahagi ay si Lilia Cuntapay. Ang kaalaman kay Lilia Cuntapay matapos mapanuod ang pelikula.

Magandang ang katapusan ng pelikula. Sa palabas na ito, makikilala mo ang isang matandang babae na ang mga nakakatakot na palabas ay hindi makukumpleto kung wala siya. Siya si Lilia Cuntapay. Sa wakas, nabuo na niya ang kanyang pangalan.

Sana nga ay dumami pa ang mga ganitong klase ng pelikula. At sana dumating ang panahon na kapag may naipalabas ulit na katulad nito, hindi lang kaming 12 ang nakaupo sa sinehan. Panuorin n’yo ito. Hindi pa huli ang lahat. At siguradong bibigyan n’yo rin ito ng 3.5 na stars.

(Ang galing lang dahil kagabi bago ako matulog, nakinig ako ng radyo sa cellphone ko. Napadaan ako sa Barangay LS 97.1 station. At ini-interview si Lilia Cuntapay! Yun nga lamang ay replay pero kahit na. Sumakto talaga sa araw na nanuod ako ng kanyang pelikula.)

 

Ang Direktor:

Ang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay ay isang pelikula na idinerehe ni Bb. Antonette Jadaone. Ngayon ko lang nalaman, ngayon ngayon lang talaga, na isa rin siyang Iskolar ng Bayan at galing rin (*rin dahil makakagraduate rin ako) ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon. Kaya pala magaling. At ngayong inadd ko siya sa Facebook (sana, i-accept niya), gusto ko sanang itanong kung sino si Alexis. Pero baka ito ay isang “insensitive” na tanong.

Advertisements
Comments
2 Responses to “Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay: Isang mala-supporting na Rebyu”
Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] tuloy ako ng imahinasyon na iuugnay ko sa independent film ni Bb. Jadaone, ang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay. Sige, himayin natin. Noong isang taon, may isang tanong sa #QUIZtion kung ano ang ibig sabihin ng […]

  2. […] Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay: Isang mala-suporting na Rebyu […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: