Ang #Quiztion ni @HecklerForever bilang isang Kulturang Popular

Mula Friendster, Multiply at Myspace, naging tambayan na ngayon ng mga taong may access sa internet ang Facebook at Twitter. Sa Facebook, pwede kang magpost ng kung ano ano (pero be wise) at mag-comment ng kung ano ano (be wise ulit) at mag-stalk ng kung sino sino. May mga virtual games din sa Facebook kaya naman hindi maikakaila na patok na patok ito sa mga kabataan ngayon.

Pero kung gusto mo naman na magmukhang ‘propesyunal’, masundan ang mga ginagawa ng iyong mga paboritong artista o personalidad na parang #FollowThatStar program lang sa GMA News TV, malaman ng madalian ang mga maiinit na balita sa pamamagitan ng pag-follow sa may mahigit isang milyon ng follower (1,124,043 para eksakto), ang GMA News Online at mauna sa mga kaibigan sa pag-alam ng mga trending topics ngayon, Twitter ang nababagay sa’yo. Sikat na sikat na ang Twitter lalo na sa Pilipinas na mayroong 9.5 milyon na subscribers. Sabi nga ni @FuelOnline sa isa niyang tweet, “Facebook will die but Twitter not.”

At kung tumi-tweet-tweet ka na noong mga nakaraang buwan pa, alam mo siguro kung ano ang nagtetrending linggo linggo, pagsapit ng gabi. Ito ung tipong kapag sinalihan mo o nagsimula ka na maghashtag, hindi ka na makakakain, hindi mo na magagawa ung mga assignment mo, ung napaparanoid ka minsan, ung tipong isusumpa mo ang internet service provider mo dahil sa mabagal na connection, ung may isang tab ng Google sa web browser mo, at ung tipong makikilala ka ng marami dahil nanalo ka ng pinaka-priceless na award – ang happiness.

Ang tinutukoy ko lang naman ay ang #Quiztion. Ang #Quiztion (pinagdugtong na Quiz at Question) ay isang patimpalak sa Twitter na sinimulan ni @HecklerForever. Karaniwan, general information ang uri ng tanong kaya minsan kahit hindi mag-Google gamit lamang ang iyong stock knowledge, mabilis mong maiti-tweet ang iyong sagot. Sinasaklaw ng Quiztion ang pulitika sa bansa, sa ibang bansa, musika, sining, matematika (sinapyan) o showbiz.  Dahil ang mga tanong ay may significance sa mga Pilipino, nahahalinang sumali ang mga Twitter people. Hindi rin katataka-taka na hindi magte-trend ang #Quiztion dahil sa 52, 280 followers (na naging 52,314 habang pino-polish ko ‘to) ni @HecklerForever, halos lahat sila sumasagot, dagdag pa ang pagre-retweet lalo na kung nakakabaliw o weird ang sagot. At dahil dyan, ang #Quiztion ni @HecklerForever ay isang Kulturang Popular.

Twitter page ni @HecklerForever. Makikita sa background kung ano ang kanyang hilig.

Twitter page ni @HecklerForever. Makikita sa background kung ano ang kanyang hilig.

Isa lamang sa pagiging popular ng #Quiztion ang katotohanang tinatangkilik ito ng marami. Ayon sa aking Panitikan ng Pilipinas 17 subject na may description na, Kulturang Popular na tinuro ni ser @vlad_gonzales, may limang kahulugan ang Kulturang Popular. Susubukan nating ipasok sa lahat ng kahulugan na iyon ang #Quiztion.

(1). Popular ang teksto1 kapag gusto/tinatangkilik ng marami. Napatunayan na ito ng #Quiztion. Ebidensya ang mga print-screened ng mga trending topics kung saaan naroroon ang patimpalak. Hindi naman iyon magte-trend kung walang sumasagot/nakikisagot. Dahil dito, certified popular ang #Quiztion.

Print-screen ng Trending Topics sa Twitter kung saan kabilang ang #Quiztion (Larawan mula sa Twitter page ni @HecklerForever)

Print-screen ng Trending Topics sa Twitter kung saan kabilang ang #Quiztion (Larawan mula sa Twitter page ni @HecklerForever)

(2). Ang isang teksto ay popular kapag napapaloob ito bilang tagalusaw na kultura. Tagalusaw na kultura ang isang teksto kapag pinuputol nito ang gap sa pagitan ng mga tao. Walang diskriminasyon na nangyayari. Ang #Quiztion ang nabibilang dito. Kahit bata, matanda, babae o lalaki, basta may Twitter account, pwedeng pwede sumali. Kaya nga kulturang popular din ang mga social networking sites. Isa pa, kahit may pinag-aralan ung sumasagot o wala, maaari pa ring sumali sa #Quiztion. At papasok din ang katotohanang hindi chinecheck ni @HecklerForever kung sino ang naglalaro. Kaya si @HecklerForever ay isang tagalusaw na kultura. Kaya magsama sila ng #Quiztion niya.

(3). May katangian bilang pampatahimik na kultura ang pagiging popular. Dito, itinatago ng teksto kung ano man ang realidad, ang katotohanan. Nagkakaroon tuloy ng panibagong impresyon sa mga ito at kung minsan, tumatatak sa isip ng mga tao. Ang #Quiztion ay napapabilang din dito. Ang karaniwang patimpalak ay ung may mga hurado, may host, kung minsan may registration fee ang patimpalak, at syempre may premyo. Pero ibang iba ang #Quiztion sa totoong buhay. Una, ginaganap ito, online. Pangalawa, walang hurado at nakadepende minsan sa bilis ng internet connection ang pagpili sa mga mananalo. At pangatlo, walang registration fee at lalo namang walang premyo. Sabi nga ni @HecklerForever, happiness ang premyo. Talagang ibang iba ang #Quiztion.

(4). Sa ilalim naman ng mass culture, may dalawang katuturan. Una, para sa interes ng masa at ang pangalawa ay pambenta sa masa. Sa kalagayan ng #Quiztion, mas napapaloob ito bilang pambenta sa masa. Habang naiisip ng iba na ito para sa sa interés ng masa, hindi naman ito nagdudulot ng kung ano mang kabutihan sa mga sumasagot. Oo, dagdag na kaalaman pero hindi mo naman kailangan ng #Quiztion para lang may malaman. Ito ay pambenta sa masa dahil may sumasagot. May nagrereact sa kung ano ang tanong. At kung hihimayin din, pwedeng sabihin na gustong sumikat ni @HecklerForever gamit ang kanyang sariling bersyon ng isang online na paligsahan. Napaka-phenomenal nga ng #Quiztion dahil bumibenta at bumenta ito dahil sa katotohanang bago pa ito magsimula, sikat na si @HecklerForever.

(5). Huling kahulugan ng Kulturang Popular ang counterculture. Sa counterculture, gumagamit ang teksto ng methods para hadlangan ang isang nangingibabaw na malapit na kultura. Ang kaiba lang sa #Quiztion mula sa iba pang pautakang paligsahan, gumamit ito ng teknolohiya, ng Twitter para maipasagot sa mga gusting sumagot. Gumamit din ng #hashtag para mag-trend at kailangan pang pinduntin ang “tweet” para maipasa ang sagot. Ito ay kaiba talaga sa kung ano ang karaniwang nangyayaring paligsahan.

Tunay nga talagang isang Kulturang Popular ang #Quiztion ni @HecklerForever. Buti na lang nabuhay ako sa panahong laganap at accessible ang teknolohiya. Buti na lang din naimbento ang Twitter na isa ring Kulturang Popular at tagapagtaguyod ng magiging popular, salamat kay Jack Dorsey sa pag-imbento.

Ang mga social networking sites ay bumubuo ng mga magiging popular. Malakas talaga ang kapangyarihan ng media at ang paghahatid ng impormasyon sa tao ay mabilis na. Sa blogpost na ito, hindi lang #Quiztion ang popular. Nariyan din si @HecklerForever, at ang Facebook at Twitter. Isa ring popular ang blog site ni @HecklerForever na The Professional Heckler. Naging popular ito dahil sa social relevance nito at napapanahon. Okay din ang mga akda doon tungkol sa mga pulitiko. Nagiging tagapamulat tuloy ang The Professional Heckler sa mga bagay-bagay. Nakikita ko pang layunin nito ang pagbibigay ng ‘edukasyon’ sa mga tao na inilapat pa sa isang nakatatawang paraan.

Ang header ng blogsite ni @HecklerForever

Ang header ng blogsite ni @HecklerForever

Sa #Quiztion, happiness ang premyo. Ngunit walang happiness kapag haharangin ito ng isang batas para sa malayang pagpapahayag ng damdamin at salita. Wag sanang harangin ng gobyerno ang happiness na iyon dahil kung mangyayari, siguradong digmaan ang magaganap na pwedeng maitatak sa kasaysayan at mapabilang bilang isang Kulturang Popular.

 

 

 

Notes:

  1. Ang teksto ay pwedeng pasulat o pasalita. Hindi lang ito isang akda na nakasulat o naka-print sa isang papel. Ang teksto ay kultural. Ibig sabihin, iba’t iba ang persepyon na mabubuo ukol dito at nakadepende kung papaano ito suriin. Ang teksto ay pwedeng larawan, musika, sayaw, kanta, computer, laptop, Twitter, Facebook at kung ano ano pa.
Advertisements
Comments
2 Responses to “Ang #Quiztion ni @HecklerForever bilang isang Kulturang Popular”
Trackbacks
Check out what others are saying...
  1. […] As in. Talaga. Super. Sinabi ko nga kay @HecklerForever na may munting “publicity” na ung blog post ko sa tweet niya sa akin kasi kasama sa tweet niya ung link papunta sa blog post na iyon. At hindi […]

  2. […] Ang #QUIZtion ni @HecklerForever bilang isang Kulturang Popular […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: