Mga Karaniwang New Year’s Resolution

Bagong taon na! Gagawa ka ulit ng New Year’s Resolution mo. Ang tanong, nagagawa mo ba? Teka, di ba sabi mo dati magbabagong buhay ka na? Anong nangyari? Wala di ba? Pero siguradong may gusto ka nang i-achieve sa susunod na mahigit sa tatlong daang araw. Nasa ibaba ba ang mga plano mong gawin sa buhay mo? O sige, basahin mo na ang mga ito at wag mag-alala, marami kayong nag-iisip ng mga ganito na hindi naman ginagawa at magagawa.

Teka, ang 2013 pala ay simula ng taon na walang nauulit na numero hanggang 2019. Kaya espesyal ang taon na ito.

(Hindi particular ang order nito sa kung ano ang mas pinaka karaniwan (redundant na) na New Year’s Resolution.)

1. Magpapapayat na ako

Ito talaga ang karaniwan sa lahat. Kapag December na, nandyan na ang handaan pero sige pa rin ang pagkain. Kapag napansing tumaba na, sasabihin, magda-diet na. Pero wag nating itago ang katotohanang malakas talaga tayo kumain lalo na kung paborito natin ang nakahain. Pagdating ng unang linggo ng Enero, bibili na yan ng supplement na sasagot sa kanyang katabaan, hindi makakatanggi sa kaibigang dealer ng mga medyo may pagka-scam type na trabaho na nagbebente ng mga pampayat o kaya naman ay magjojogging kasama ng iba pang malalaking kaibigan.

Karaniwan ding maririnig ang pagsasabing magpapataba na ako. Oo, may mga taong gustong tumaba dahil sa sobrang kapayatan.  Yung damit na small size, pwede na siyang isampay.

Yung pagpapayat, karaniwan yan sa mga kababaihan. Kaya mga girls over there, wag muna magpataba. Siguraduhin munang may lovelife na para hindi na makatakas. Mga girls, daganan ang mga boys para hindi kayo i-break.

Yung pagpapataba  naman, karaniwan sa mga kalalakihan. Pwede na rin nating sabihin na pagpapalaki ng katawan para naman mapansin at habol-habulin ng mga kababaihan.

Kaya sa mga magpapapayat at magpapataba, goodluck ! Kumain lang ng marami kung birthday n’yo lang, okay?

2. Babawasan ko na ang paggamit ng Facebook, Twitter o kaya pag-o-online

Pagkatapos ng holiday season na ito, balik pasok na naman. Hayy, hindi mo man lang na-enjoy ang isa o dalawang linggong bakasyon. Kasi ba naman mga guro natin, nag-iwan pa ng mga gawain. At kapag pasukan na, maririnig na muli ang madalas na pagfe-facebook. Kapag bakasyon kasi, babad na babad ang mga tao, lalo na ang kabataan, sa paggamit ng internet at kung minsan nakakalimutan na may gawain pa pala sila.

Pero ang klasik dito, babawasan lang. Hindi naman sinabing hindi na gagamit pa ng Facebook.  At sa panahong malakas na ang social media, may paraan pa ba para makatakas?

At sa darating na Enero, mali-lift na ang Temporary Restraining Order sa Anti-Cybercrime Law kaya maging wise na sa pagpo-post ng kung ano-ano.

Kaya mga pare, mare, ineng, teh, add n’yo na ako sa Facebook para lalo kayong ma-addict.

3. Mag-aaral/Magtatrabaho na ako ng mabuti

Kasabay ng pagbabawas ng paggamit ng Facebook, ang mga kabataan ay nagkakaroon ng kakaibang panata na mag-aaral na ng mabuti. Karaniwan nga itong New Year’s resolution dahil pagkatapos na pagkatapos ng mga selebrasyon at putukan, pasukan na ang sunod.

Mga friends magsunog na ng kilay, okay? Para naman hindi laging kulelat sa exam. Para hindi na sisihin ang teacher kung bakit mababa sa exam at para hindi mababa ang grade para naman may regalo kina Mommy at Daddy. Pero minsan kahit ginagalingan mo na, wala pa ring dagdag sa baon mo. Opps, wag literal na magsusunog ng kilay.

Para naman sa mga nagtatrabaho, magiging matapat na sila sa kanilang gagawin, hindi na mangungurakot at hindi na gagawa ng anumang bagay na ikakasira ng kasamahan sa trabaho. At sa mga walang trabaho, maghanap-buhay na kayo para naman may maihain naman kayo sa inyong mga lamesa sa susunod na selebrasyon.

May iba naman na bumibili pa ng planner para organized at hindi nakakalimutan ang mga gagawin pero kung titingnan sa huling araw ng taon, walang man lamang nakasulat.

4. Hindi na ako male-late o Gigising na ako ng maaga

Kasabay rin ng pag-aaral at pagtatrabaho ng mabuti ay ang pangakong papasok na ng maaga. Mangangako na hindi na magpupuyat at gagawin na lang ang dapat gawin. Kung nang nakaraang taon ay laging nahuhuli sa pagpasok, syempre, magkakaroon na ‘yan ng panata na hindi na ito gagawin.

Kung ang pasok n’yo ay alas-6 ng umaga, gumising ng alas-4. Kung kahapon, dumating ka ng 30 minutes bago ang iyong oras, wag naman gumising ng 30 minutes after ng alarm mo kahapon. Iba iba ang mangyayari at nangyayari sa araw-araw

Kaya ang mga taong, “Better late than never” ang laging motto, iibahin na nila ‘yan. Pangit naman kasi ang laging late. Babalik ‘yan sa’yo sa pamamagitan ng pagbaba ng grade o suspensyon sa trabaho. Sabi nga ni Drake, “Better late than never, but never late is better”.

5. Ititigil ko na ang mga bisyo ko: paninigarilyo, paglalasing, pagsusugal, pambababae

Karaniwan itong sinasabi o nasasabi ng mga taong matapos sumakit ang ulo o humilab ang tiyan kinaumagan ng inuman o kaya ang mas malala, napagastos nang hindi inaasahan sa inuman.

Pero siguro naman agad-agad ito mawawala sa isang tao. Di ba, sa isang sugalan, kapag nakaupo na ang mananaya, siguradong hindi na ‘yan makakatayo. Hindi na makaka-ihi kahit naiihi na o hindi na kakain para lang makapagsugal. Tatayo na lang siguro kapag talo na, wala ng panaya o minsan, kahit ang mga panalo, uuwi na. Ganyan din ang mangyayari sa mga bisyo.

May mga taon namang nagbabago na talaga at namumuhay na ng malusog.

Kaya mga peeps, iwasan na ang paninigarilyo at pag-iinom, lalo na ngayong naipasa na ang Sin Tax Law na magtatakda ng paglalagay ng mas mataas na buwis sa inyong mga kinalolokohan. Itigil na rin ang pagpunta sa mga club dahil mataas na rin ang combo ng San Mig Light at Red horse.

6. Magpapakabait o magpapakabuti na ako

Isa ito sa mga naririnig natin lalo na sa ating mga kaibigan. Sasabihin sa’yo, “Hindi na kita aawayin at aasarin.” Tama lang naman na magpakabait ka naman kahit isang buong taon. Bawiin mo naman ang ginagawa mo noong nakaraang taon na nambu-bully ka, at pangto-troll sa mga tao, gawin namang mas mild. Tsaka dapat hindi obvious para hindi naman sabihing ginagawa mo ulit ang pagiging pasaway.

Sa mga bata, hindi na mangangako na hindi na mangungupit sa mga magulang, hindi na uuwi ng madaling araw at hindi na susuway sa mg utos.

Sa mga matatanda, iiwasan na ang pagkalat ng tsismis dahil noong nakaraang taon laging laman ng kalsada, nakiki-isyoso. May mga magsasabing gagawa na ng volunteer works, at tutulong na sa mga nangangailangan.

7. Magsisimba o sasamba na ako ng mas madalas

Kasabay rin ng pagpapakabait ang pagiging laman ng mga simbahan o bahay sambahan. Dahil maraming naniniwala na ang relihiyon ang maaaring magpabago sa kanila. Pero, akin naman, matinding paniniwala ko ang mahalaga, hindi ang aking relihiyon (drama time).

Ngunit, hindi ibig sabihin na kapag nagsisimba ka araw-araw, nagno-novena araw-araw, nakikisabay sa mga pag-iyak sa sharing time o pagluhod sa altar ay magiging mabait ka na. Nagkakaroon lang kasi ng kaisipan ang tao na gawin ang tama dahil sa kanyang konsensya. Walang kinalaman ang relihiyon sa pagbabago. Sarili ang may malaking kinalaman doon.

Hindi na rin gagawin ng marami ang pagsisimba lang kapag birthday, niyaya ng girlfriend o boyfriend o simbang gabi.

8. Mag-iipon  o/at magtitipid na ako

Bagong taon, bagong buhay. Wag na gumastos nang gumastos. Dapat bilhin lang ang mga kailangan at hindi ang mga gusto.

May mga tao pa rin talagang nagsasabi at nangangako na gagawin ito. May iba pa nga bumibili pa ng alkansya o kaya nagbubukas ng bank account para lang makapag-ipon. Mabuti naman talaga ang mag-ipon pero hindi maganda kung dukot ka ng dukot at wala ka nang naisusuksok.

Mas makakabuti kung mag-i-invest sa mga bagay-bagay tulad ng libro, lupa (para sa mga pamilya), at higit sa lahat, edukasyon. Dahil edukasyon ang solusyon!

9. Magpapaputi na ako o mag-aayos na ako ng sarili ko

Para sa mga taong walang lovelife, okay gagawin na nila ito para naman mapansin. Lagi na lamang pagpapapuputi ang inaatupag ng mga tao dajil malinis daw sa itsura at laging napapansin.

May mga tao naman na kapag bumili ng mga gamot o sabon na pampaputi, minsan nakakalimutan na nilang gamitin kaya wala ring nangyayari.

At kung pag-ibig lang din ang pag-uusapan, mas mabuti siguro kung maging maayos at malinis lang sa sarili at katawan. Hindi naman kailangan na maging makinis at maputi.

10. ________________________

Wala akong nilagay sa ika-sampung bilang dahil gusto kong iwanan na lang sa inyo ang idadagdag n’yo pang New Year’s Resolution. Dramatic at seryoso sigurong New Year’s Resolution ay ang mga sumusunod:

a. Boboto na ako ng tama at tapat

b. Magliligkod na ako sa bayan at hindi na mangungurakot

c. Kapwa muna bago ang sarili

d. Aalamin ko na ang mga batas at makikinig na ng mga balita para alam ko na ang gagawin sa susunod

e. Lilikas na agad ako sakaling may darating na bagyo

f. Aalagaan ko na ang mga hayop at ang kalikasan

g. atbp.

100.1. Iiwasan ko na ang pagja**k*l (explicit ito, pasensya)

Tinanong ko ang isang kaibigan ko kung ano ang isa sa mga New Year’s Resolution niya.  Hindi na raw siya magpapaputok dahil nadala na siya. Okay, edi maganda. At least, nagpapakabuti na siya. 

Kaya sa mga mahilig magpaputok dyan, itigil na o iwasan na, okay? Dugo na ang lalabas sa inyo kapag pinagpatuloy n’yo pa yan. 

Kung dadami pa ang kaso ng pagpapaputok, Total Firecracker at Firework Ban na ang mangyayari. Sabi nga ng DOH, mag-gangnam style na lang pero mas okay kung Chacharap, pwede rin RaBaDaBango.

Lilipas na ang 2012. Kalimutan na ang mga masasakit at hindi magandang nangyari sa inyong buhay sa nakaraang taon. Abangan na lang ang mga susunod na magagandang kabanata sa iyong buhay sa 2013. Malay mo, may magka-lovelife ka na. (Ako rin, gusto ko na magka-lovelife. Sinong may crush sa akin? Aminin mo na dahil baka crush din kita.)

Maligaya at Manigong Bagong Taon !

Advertisements
Comments
One Response to “Mga Karaniwang New Year’s Resolution”
Trackbacks
Check out what others are saying...


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: