Andres Bonifacio: Bayani at Punong-Bayan : Sampaaksaang Pang-anibersaryo ng UP Likas 2013

Ganitong-ganito ang pamagat at tema ng sampaaksaang pang-anibersaryo ng UP Likas. Ginanap ito noong ika-18 ng Enero, 2013 sa silid 400 ng Bulwagang Palma, UP Diliman.

Ako ang naatasang mag-video ng mga nangyayari sa sampaksaan na ito kaya naman, halos lahat ng sinasabi ng mga panauhing mananalita sa kanilang mga inihandang papel.

Sa sampaaksaan na ito, binigyang linaw ang mga palagay (lamang) at opinyon ng mga tao hinggil kay Gat. Andres Bonifacio. Tinangka rin nitong burahin sa isipan ng mga dumalo ang maling persepsyon ng mga tao kay Bonifacio.

Isa sa mga binigyang-diin sa sampaaksaan ang mga maling sitwasyon sa El Presidente, isang pelikula para kay (o mula sa pamilya ni) Emilio Aguinaldo na pinasadahan ng lahat ng mga tagapagsalita. Una, hindi naman marunong magsalita ng Kastila si Aguinaldo ngunit maraming beses na nagpakita ang pelikula na gumagamit siya ng ganoong wika. Kaya nga ang kanyang aklat na tumatalakay sa kanyang mga alaala ay nakasulat sa wikang Ingles. Pangalawa, naging conservative ang pelikula sa tunay na pagpatay kay Andres Bonifacio. Siyang tunay ay ang pagsaksak sa kanya ng ilang beses at paghahati-hati o pag-chop chop sa mga bahagi ng kanyang katawan. Marami pang kamalian ang El Presidente na nagpamulat sa mga tao ng kamalian.

Bonifacio bilang Manunulat

Ang pambansang alagad ng sining para sa Panitikan na si Propesor Virgilio Almario ang siyang unang nagsalita. Tinalakay ni Prop. Almario ang buhay manunulat at makata ni Bonifacio. Sinasabi niya na hindi naging inspirasyon ni Bonifacio sina Dr. Jose Rizal at iba pang propagandista sa pagsulat ng kanyang mga tula. Isang patunay nito ang di pagsulat ni Bonifacio sa wikang Kastila na siyang ginamit ng mga propagandista. Walang sinulat si Dr. Jose Rizal na kung ano mang akda na nasa wikang Filipino at si Bonifacio naman, lahat sa wikang pambansa. At hinding-hindi magiging inspirasyon ni Bonifacio ang mga propagandista na kumopya lamang sa French Revolution noong mga panahon na iyon.

Ang inspirasyon ni Bonifacio sa pagsulat ay si Francisco Balagtas. Karamihan sa mga sinulat ni Balagtas ay awit at korido ngunit bago iyon, sinabi muna ni Prop. Almario ang katunayan na maaaring naging inspirasyon ni Bonifacio ang Pasyon. Ang Pasyon ay tumatalakay sa buhay at pagsasakripisyo ni Jesus, ng bayaning Jesus. Ngunit hindi maikakaila na si Jesus ay mapagkumbaba, matiisiin at iba pa ngunit kaiba ang ugali sa kanya ni Bonifacio. Si Bonifacio na ayaw sa mga kalaban, lumalaban at gumaganti sa mga traydor. Oo, nabanggit ang salitang traydor dahil ito ang ibig ipakita ng ilang mga tauhan sa mga akda ni Balagtas. Isang halimbawa ay si Adolfo, mula sa akdang Florante at Laura, na pinatay ni Flerida, isang babae, dahil sa pagtataksil. Nagkaroon ng ibang imahe ang pagiging babae ni Flerida kaiba sa kung ano ang kalagayan at persepsyon sa mga babae noon. Si Flerida bilang Bonifacio. Si Bonifacio na ayaw sa mga taksil na Kastila na sa una lamang ay gustong makipag-kaibigan, yaon pala ay mananakop.

Sa pagsusuri ni Prop. Almario sa Ang Pahimakas, salin ni Andres Bonifacio mula sa wikang Kastila sa tula ni Dr. Jose Rizal na Ultimo Adios, itinuturing niyang pinakamagandang linya ang ika-9 mula kay Rizal at ang ika-17 at 18 na linya naman sa salin ni Bonifacio.

Ang Pahimakas                                                                                                   Ultimo Adios

Idalan~ging lahat yaong nan~gamatay,                         Ora por todos cuantos murieron sin ventura,
nan~gagtiis hirap na walang kapantay;                          Por cuantos padecieron tormentos sin igual,
m~ga iná naming walang kapalaran                                 Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;
na inahihibik ay kapighatian.                                              Por huérfanos y viudas, por presos en tortura

Ang m~ga bao’t pinapan~gulila,                                          Y ora por ti que veas tu redención final.
ang m~ga bilangong nagsisipag dusa:
dalan~ginin namang kanilang mákita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

Nabanggit sa huling linya ng Ultimo Adios ang salitang redencion final na isang relihiyosong salita para hanguin ang isa sa kasalanan o pagtubos sa kasalanan.

Binanggit din ni Prop. Almario ang bait at ginhawa na mga malalalim na salita kung susuriing mabuti sapagkat hindi lang sila nagmumula sa kung ano ang nakikita kundi sa kung ano ang nilalaman ng isip at puso.

Nabanggit din niya ang pinagmulan ng salitang Laya na hindi naman talaga isang salita hanggang noong panahong ika-19 siglo na kinuha ni Bonifacio sa isang salin ni Marcelo H. del Pilar sa isang tula. At ginamit na ng mga Katipunero ang salitang Kalayaan pero hindi tumutukoy sa pagpapakahulugan ng kalayaan ngayon. Kapag sinisigaw ng mga Katipunero ang Kalayaan, nangangahulugan ito ng Independesya at hindi Libertad.

Sa huli, napatunayan ni Prop. Almario na hindi isang mediocre poet si Bonifacio at kanyang pagiging makata ay hindi naging raso ang kanyang hindi pagkakaroon na matibay na pundasyon ng edukasyon, kundi sa kung ano ang kanyang nasasaisip at nakikita sa panahong walang independencia ang mga Pilipino.

Bonifacio bilang Unang Pangulo

 Inisa-isa ni Dr. Milagros Guerrero, isang retiradong propesor sa UP Departamento ng Kasaysayan, ang mga patunay, bagay at dahilan upang ituring na unang pangulo ng nagkakaisang bansang Pilipinas si Bonifacio.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: