Binasa na ni @HecklerForever ang Blogpost ko tungkol sa kanya. Happiness ito.

Hindi ko inakala na sa pagbukas ko ng Tweetdeck by Twitter kani-kanina lang ay bubungad sa  akin ang katotohanang minentione  (ang salitang ito ay ilan lamang sa napakaraming salita na maaaring walang katumbas na salitang Tagalog kaya nilalagyan o dinudugtungan na lamang ng panlapi ayon sa klase ko sa Araling Pilipino 12 sa UP Diliman) o binanggit ako ni @HecklerForever sa Twitter.

Grabe. Si @HecklerForever na may 58,222 followers. Si @HecklerForever na may-ari ng The Professional Heckler na naglalaman ng mga pasaring sa mga pulitiko at ilang personalidad sa showbiz sa isang nakakatuwa at nakakatawang paraan. Si @HecklerForever na may ari din ng #QUIZtion na nagtetrending linggo-linggo kung nasa mood siya para gawin ito. Si @HecklerForever na may koneksyon sa mga sikat na personalidad. Siya, na pinasalamatan ako dahil lang sa isang blog post ko na tungkol sa #QUIZtion niya? Grabe. Hindi ako makapaniwala.

Nagkaroon tuloy ako ng imahinasyon na iuugnay ko sa independent film ni Bb. Jadaone, ang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay. Sige, himayin natin. Noong isang taon, may isang tanong sa #QUIZtion kung ano ang ibig sabihin ng OB sa OB Montessori kung saan nag-aral si Ms.  Leah Salonga. Naka-tag si Ms. Leah sa tanong na iyon. At biglang nag-reply si Ms. Leah sa tanong na iyon kung pwede ba siyang sumali dun. Hindi ba? Nagreply kay @HecklerForever si Bb. Leah at nagreply naman siya pabalik.

O sige, ganito lang yan (para simple?) na iuugnay pa rin natin sa nasabing indie film. Halimbawa. Nakareplyan ni Ms. Leah Salonga si Ms. Karen Davila na nakareplyan si Mr. Julius Babao na nakareplayan si Ms. Kris Aquino na nakareplayan si @HecklerForever na nakareplayan ko. Ibig sabihin, mabubuo ang Ms. Leah Salonga’s Six Degrees of Separation from Veejay Calutan. Ang galing dib a? Kahit alam kong alam n’yo rin na magulo ‘tong pinagsasabi ko.

Nadadala lang talaga ako ng sobrang kasiyahan o happiness sa Ingles na pinakamalaking premyo sa pagsali sa #QUIZtion.

Ewan. Grabe. As in. Talaga. Super. Sinabi ko nga kay @HecklerForever na may munting “publicity” na ung blog post ko sa tweet niya sa akin kasi kasama sa tweet niya ung link papunta sa blog post na iyon. At hindi ko alam na mababasa pa pala niya ang post ko na iyon. Sobrang saya talaga.

Tapos, eto pa. May isang follower ni @HecklerForever na nagngangalang Cris (sundan siya sa @miacristy0627) na nagreply dun sa tweet niya sa akin. Okay daw ung post. Grabe. Isang happiness pa ulit. Kahit pala hindi ako mag-open ng Coca-cola na nagdiriwang ng kanilang ika-100 anibersaryo, may happiness akong makukuha sa pagsusulat lang at sa pagsunod o pagfollow kay @HecklerForever.

Yung happiness ko, dinagdagan pa ng pag-tweet sa akin ng buddy (sundan siya sa @iampotatosack) ko. Pakiramdam ko binigyan ko ulit siya ng dahilan para maging proud sa akin.

Happiness din maituturing na finavorite (katulad ng minentione) ni @HecklerForever ang iba ko pang tweets na nagpapasalamat sa kanya.

Hayy, salamat na lang finollow ko si @HecklerForever dahil kung hindi, hindi ko malalaman ang #QUIZtion, ang The Professional Heckler at hindi ko mararanasan ang HAPPINESS na nararamdaman ko  hanggang sa mga sandaling ito. Makakatulog ako ng mahimbing mamaya. Sigurado. Honor.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: