Isang Pag-alala at Pagpapaalala ng UP Likas sa Ika-141 na Kamatayan ng GomBurZa

Ngayong ika-17 ng Enero, ating alalahanin ang kabayanihan ng mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora.
Isang daan at apat na pu’t isang taon na ang nakalilipas noong hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote ang GomBurZa. Dahil lamang sa bintang ng pakikilahok sa tinaguriang, “Cavite Mutiny” at maling impormasyon kung saan isang Jose Zamora ang pinaghahanap ng mga kastila at hindi Jacinto Zamora, pinatay ang GomBurZa na siyang pinag-alayan ni Dr. Jose Rizal ng akdang, “El Filibusterismo”.
Kahit maraming taon na ang nakalilipas mula nang sila ay mamuhay sa mundo, nawa’y patuloy nating isabuhay at isagawa ang mga mahahalagang aral na kanilang inihandog sa bayan. Ang pagiging matulungin sa kapwa, ang pagkakaroon ng paninindigan at ang pagiging isang matapang na Pilipino ang ilan lamang sa kanilang ipinamana sa sambayanan.
Malugod nilang tinanggap ang kanilang kamatayan. Mas pinili nilang mamatay kaysa mamuhay sa isang lipunang walang kalayaan.
Mabuhay ang GomBurZa! Mabuhay ang bansang Pilipinas!