May magbabago sa darating na ika-28 ng Pebrero. Kasama tayong lahat na mga Iskolar ng at para sa Bayan dito

Sa Pebrero 28 na ang inaabangang eleksyon. Ihahalal nating mga Iskolar ng at para sa Bayan ang mga susunod na lider ng ating kolehiyo at ng pamantasan. Sabay sabay nating i-exercise ang kapangyarihan ng ating boto. Bawat boto natin ay mahalaga. Mahalaga ang bawat boto. Bilang mga Iskolar ng at para sa Bayan, wag tayong maging bobo.

Kilalanin natin ang mga kandidato ng bawat partido.

Papangunahan ng incumbent CSSP Chairperson na si Carlo Brolagda at incumbent USC Councilor na si Alex Santos na tumatakbo bilang mga USC Chairperson at USC Vice-Chairperson ang slate ng UP Alyansa (UP Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran) 

“UP Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (UP ALYANSA) is a dynamic leadership and service formation in UP Diliman. Kasama ka, Iskolar para sa Bayan.”

823623_10152573889550705_730672375_o

Ang slate ng partidong KAISA (Nagkakaisang Iskolar para sa Pamantasan at Sambayanan) ay pangungunahan ng incumbent USC Vice-Chairperson na si Alex Castro at incumbent USC Councilor na si Jules Guiang na tumatakbo bilang mga USC Chairperson at USC Vice-Chairperson.

“KAISA is a progressive political party and dynamic student formation that envisions itself as an agent of social change through competent student leadership, proactive political action and effective social involvement.”

KAISA's Slate

Mula sa STAND-UP ( Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP), papangunahan ng incumbent USC Councilor na si Mijo Solis at ang Law Student Government Second Year Representative na si Kei Garcia na tumatakbo bilang mga USC Chairperson at USC Vice-Chairperson.

“STAND-UP or the Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP is the broadest genuine, militant and nationalist party alliance in UP Diliman. Iskolar ng Bayan, Paglingkuran ang Sambayanan!”

STAND-UP's Slate

Ang mga tumatakbo ngayon sa darating na eleksyon ay may mga napagtagumpayan na at nagsasabing may mapapagtagumpayan pa. Ngunit tayo ring mga simpleng Iskolar ng at para sa Bayan ay may mapapagtagumpayan din kung maihahalal natin ang mga susunod na lider na alam nating pamumunuan tayo ng mabuti, transparent at accountable.

Wag sana tayong bumoto ayon sa kulay, sa sabi ng ating mga kaibigan at sa sabi ng iba’t iba pang mga impluwensya. Bumoto tayo na hindi labag sa ating konsensya.

Pagkatapos naman ng eleksyon, mawawala na ang mga kulay na humahati sa kanila. Hindi na dapat ang partido ang kanilang pinag-aalyan, kundi tayong lahat na mga Iskolar ng at para sa Bayan. Nasa loob tayo ng Unibersidad ng Pilipinas. Tayo ay isang komunidad.

(At sabay na tumutugtog ang “UP Naming Mahal” [ clingy] )

Magaganap na pala ang taunang debate ng mga kandidato mula sa tatlong partido sa ika-26 ng Pebrero, 11:30-1:00 sa AS Steps. Ito ay isinasagawa ng  “katipunan ng mga publikasyong pangmag-aaral at organisasyong pangmanunulat”. Ang opisyal na poster ay ginawang featured image para dito.

(Ang nag-iisang source dito ay ang isa sa mga pinakamalakas na social media ngayon na tinatawag na Facebook)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: