*Pasintabi kay Tel

Kung hindi pa sinabi sa akin ng isa kong kaibigan, hindi ko malalaman na tinapos mo na pala ang buhay mo. Mabuti na lang at sinabi niya. Naging dahilan tuloy ito para hanapin agad kita sa Facebook, i-like ang post mo sa Narinig Ko sa UP Facebook group at basahin ang mga balita na kumakalat sa online na hindi ka naman ang nagsulat.

Ewan ko ba. Noong nakaraang linggo lang kita nakilala pero parang ang tagal na nating naging maging magkaibigan. Ang malungkot nga lang dito, nagkakilala tayo  nang mapanuod kita sa TV at sa mga dyaryo. Oo, Tel. Sikat ka na. Pero wag kang magagalit ah kung sasabihin kong natutulog ka na sa isang puting kabaong. Puting kabaong na hindi naman para talaga sa’yo kung hindi mo ginawa.

Ang daya mo, Tel. Iniwan mo na ako. Sayang, sasabihin ko pa naman sa’yo na crush na kita. Pero biro lang ah. Sabi ko nga, noong nakaraan lang kita nakilala. Nakakainis, Tel. Talagang hindi ako maka-get-over sa ginawa mo, lalo naman siguro ang mga taong mas malapit sa’yo. Siguro Tel, kung hindi mo ginawa, hindi lang ang magkakagusto sa’yo. Marami kaming macho-gwapito sa mundo at ilan sa amin ay pwede kang ligawan, pasayahin, maging inspirasyon mo tuwing hellweek, makaka-usap mo tuwing nag-iisa ka, makaka-usap nang sabaw kapag high na high kayo at kung ano ano pa (hindi ko na sinabi na magpapa-iyak din sa’yo minsan kapag hindi na nagrereply. Ay, pasensya, nasabi ko na rin pala).

Tel, may isa kang kaibigan na nag-upload ng photo ng bluebook mo sa isang subject. Ang galing mo pala ah. 1.75 ang nakuha mo. Mataas na yun para sa mga taong hirap na hirap na sa kanilang pag-aaral. Pero siguro, kung hindi mo yun ginawa, mas maraming 1.75 pa ang makukuha mo o makakakuha ka rin ng 1.0 sa mga exams at sa final grade. Masarap kayang mag-aral, Tel pero nakakalungkot isipin na hindi mo ito naranasan ng mahabang panahon. Sadya talagang may mga hadlang para makapag-aral ng masarap. Lahat ng bagay pahirap. Nandyan ang mga kagrupo mo sa isang subject, org mo na maraming pinapagawa, mga terror professors at higit sa lahat, ang matrikula.

Ewan ko ah pero baka maraming magalit sa akin sa binigay kong pamagat sa post na ‘to. Tel lang kasi ang pangalan na sinulat ko. Tel, close na close tayo. Tama naman, close na close tayo hindi dahil matagal na tayong magkaibigan kundi magkalapit tayo ng sitwasyon. Oo, Bracket D rin ako kahit may 5 akong kapatid at nasa mababang posisyon ng  trabaho ang mga magulang ko. Ilan lang ako sa libo-libong mag-aaral na malapit sa’yo. Pabalik-balik sa STFAP office para magpasa ng mga requirements, magpabalik-balik na may gastos at mag-file ng appeal para mapababa ang bracket ko. Tingnan mo, Tel, talaga kang close tayo. Hello, Tel !  Siguro, Tel, kung nandito ka pa rin ngayon, mas maraming hirap pa ang mararanasan mo. Mas maraming hirap pa ang gagawin ng mga magulang mo para makapag-aral ka at mas maraming lakad ang magagawa mo para magpabalik-balik sa isang opisinang nagiging dahilan para makapag-aral ka na miminsang naging unfair para sa mga katulad mo.

Tel, mag-online ka minsan. Sobrang bubuhos ang notifications sa Facebook mo  at tutulo ka ng ilang litro ng luha dahil malalaman mo na maraming nagmamahal sa’yo.

Alam mo ba, Tel, sabi sa TV, medyo gumaan ang pakiramdam ng mga magulang mo noong binaba na ng administrasyon ng ating mahal na unibersidad ang “no late payment policy”. Siguro, ito ay hindi dahil sa magiging okay ka na rin dyan sa taas kundi alam din ng mga magulang mo na maraming magbe-benefit sa ginawa nila dahil sa ginawa mo. Maraming salamat, Tel pero sana ikaw na ang huling mag-aaral na gumawa ng bagay na ginawa mo dahil lamang sa isang patakaran.

Tel, alam kong marami ka pang pangarap sa buhay kahit hindi mo sinasabi. Lahat naman tayo maraming pangarap eh. Sana, Tel, iparating mo sa Kanya na wag na wag pababayaan ang mga kabataang may hangaring makapag-aaral, lalo na sa UP na dekalidad ang edukasyon, yun nga lang, minsan may katumbas dapat.

Huwag kang mag-alala, Tel. Hindi masasayang ang buhay mo sa isang banda dahil kailangang may magbago na matutuwa ang lahat ng mga iskolar ng bayan.  Sana nandito ka rin sa laban na ito.

At sa pagtatapos ng walang kwentang post na ito, alam kong magmamartsa na lahat ng mga mag-aaral ng UP at iba pang State Universities and Colleges dahil sa nangyari. Salamat, Tel.

Tunay ngang sasablay tayo sa huli.

Advertisements
Comments
2 Responses to “*Pasintabi kay Tel”
  1. Ty Huls says:

    Hello Veejay,

    I am wondering if you are interested in some English writing work. I sent you a note on LinkedIn, but haven’t hear back. It is working on a Industry Specific Site that I am building out right now. I am looking for a Journalist to cover and report on this industry.

    Thanks,
    Ty

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: