Katatapos hindi kakatapos, okay? (at iba pa)

Dahil sa diverse ang mga kurso at asignatura na pwedeng kunin ng mga mag-aaral sa UP Diliman o sa kahit anong kampus sa sistema, kumuha na ako ng mga asignatura na alam kong matututo ako talaga dahil hilig ko.

Isa sa mga GE subjects na kinuha ko ay ang Araling Pilipino 12 na may deskripsyon na, “Suroy-suroy sa Wika, Panitikan at Kultura sa mga Isla ng Luzon, Visayas at Mindanao.” Dito natutunan ko ang iba’t-ibang bagay tungkol sa bansa maliban at kaiba sa kasaysayan at heograpiya nito.

Sa wikang bahagi ng aralin, natutunan ko ang paglalaro ng mga salita. Ang paglalaro na tinutukoy ko ay ang mismong pagkakahulugan (hahaha) mo sa salitang ito. Halimbawa, ang mga pag-aaral sa mga pagbabagong morpoponemiko.

Isa sa mga natutunan ko sa paglalaro ng mga salita ay ang katulad na pamagat. Ito ay kung saan, dapat inuulit ang ugat ng salita kapag ang nasundang titik ay letra k at a. Hindi mo maaaring ulitin ang ‘kaka’ dahil ang binibigyang empasis ay hindi kaka kundi ang ugat ng salita.

Ang ilan pa sa mga halimbawa nito na malimit magkamali ang mga tao sa pagsulat at pagsabi ay kakauwi na dapat ay kauuwi; kakalagay na dapat ay kalalagay; kakalimutan na dapat ay kalilimutan at iba pa.

Ngunit may maaaring konsiderasyon ang mabuo rito. Isa ay ang pagsanay sa banggit ng mga salita. Kung nasanay na ang isang tao sa pagbanggit ng kakauwi, kakatapos o kakarating, maaari na siguro na niya itong gamitin kung saan siya mas kumportable. Ang isa pa ay ang pag-uulit ng unang o dalawang titik sa ugat ng salita ay ginagamit kapag ikaw ay makata, gagawa ng tula at maiisip ng iba na malalim ito ngunit hindi naman. Halimbawa, sambitin o sabihin ang kakalimutan at kalilimutan. Hindi ba mas malalim ang tunog at mas may arte kapag sasabihin ang kalilimutan kaysa sa kakalimutan na medyo palasak.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: