Uno: mas malabo pa sa zero visibility

Kung ikaw ay isang UP (Diliman) student na naka-sembreak ngayon, tiyak na inaabangan mo na makita ang lahat ng iyong grades sa CRS sa October 21. Pero may iba naman na ayaw pa munang makita ang mga grades. Di ko alam kung bakit. Baka alam mo.

Umaapaw na sa mga news feed ng Facebook, timeline ng Twitter at kung saan saan pang social networking sites ang mga “I LOVE MY PROFS” memes o simpleng post lang para maalis ang bad spirits at jinx.

Yung iba, nagrarant na tungkol sa mga prof na hindi pa nag-a-upload ng mga grades. Sinasagad siguro hanggang huling araw ng pasahan. Yung tipong 11:59 ng gabi ng October 20 – hanggang 5:00 ng hapon ng October 21.

Laughing Professors

At etong si Ms. Ardelle Costuna, isang kaklase sa isang subject, ang mahilig mag-rant sa Twitter ng kung ano ano, lalo na ngayon, tungkol sa grades.

Isang Tweet ni Ardelle

Nakausap ko nga siya ng mahaba-haba tungkol sa mga prof na matagal maglabas ng grades at sa grades mismo. Sabi pa nga niya sa akin, baka raw marami akong makuhang uno ngayong sem. At ang sagot ko naman:

Reply ko kay Ardelle

At dyan nanggaling ang pamagat ng blog post na ito.

Pero, kinalaunan, matapos ang ilang oras na paghihintay, natuwa naman si Ardelle sa nakita niyang unang grade sa CRS. Heto at nag-tweet pa siya tungkol doon:

Isa pang tweet ni Ardelle

(I-follow n’yo na si Ardelle (@ardellecostuna) para mabasa n’yo ang makukulit nyang rants at tweets)

Tama naman kasi kaming dalawa ni Ardelle. Minsan, sa panahong gusto mo na munang magpahinga dahil pagod na pagod ka na, mas pipiliin mo na lang maka-graduate kaysa mag-attain ng mataas na grade. Maraming nagsasabi na hindi magiging basehan ng iyong kinabukasan ang mga grades na makukuha mo. Magiging basehan kung paano ka dumiskarte at kung paano ka magtatagumpay sa buhay.

Pero, may mga UP student (o mga estudyante, in general) na gusto talagang makakuha ng maatas na grade – kahit ang pinakamailap na UNO. Pero kung gusto talagang makuha ito, laruin mo lang. Kumbaga, parang UNO Card game lang. Minsan, wala kang ibaba. Minsan naman, kailangan mong mag-skip. May mga pagkakataon din na madadagdagan ng dalawa o apat at higit pa ang mga cards mo. At kung minsan, gagamitin mo na ang wild card mo kung paulit-ulit na ang kulay na nakikita mo at gusto mo nang palitan.

Ang galing no? Isang card game lang, naaapply sa tunay na buhay.

mula sa archive_foolz_us

Ngayong sembreak, mas mabibigyan ng ito ng hustisya kapag nakumpleto na ang grades. Para kung magbakasyon man, wala nang aalalahanin. Yun nga lang kung may bagsak o incomplete pero think positive pa rin at tuloy ang buhay.

Kasabay ng mga “I LOVE MY PROFS” post, bumaha rin sa mga timeline ng “I LOVE CRS”. Ito naman ay para maging mabait ang CRS robot na nagsasagawa ng random enlistment at mabigyan sila ng 18-21 units with PE at/o CWTS pa. Ayos! Okay lang din naman mangarap. Pero seryoso, sana hindi maging pangarap lang ang 21 units na hinahangad ko.

Zero Visibility man o hindi, o mas malabo pa sa Zero Visibility ang UNO na hinahangad, tuloy pa rin ang mga pangarap.

[plays, *UP Naming Mahal*]

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: