Bakit walang ibang contestant sa ‘That’s My Tambay’ ng Eat! Bulaga bukod sa mga Lalaki?

Unang-una, ang post na ito, hindi sasagot sa tanong na nasa itaas, at pangalawa, isa lang itong obserbasyon.

Maririnig ang palakpakan ng mga tao kasabay ang paglabas ng dalawang host sa barangay na sina Jose at Paolo. Maya-maya’y isisigaw na nila ang pamagat ng segment na, That’s My Tambay, isang pakulo ng Eat! Bulaga na maaaring halaw sa segment ng katapat nitong It’s Showtime na, That’s My Tomboy. Ngunit, naniniwala ang ilan na hinalaw naman ng It’s Showtime ang kanilang segment sa That’s My Boy ng Eat! Bulaga na unang lumabas noong mga unang bahagi ng taong 2000.

Screen shot mula sa www.youtube.com na kinuha sa www.images.google.com

Screen shot mula sa http://www.youtube.com na kinuha sa http://www.images.google.com

Kung sa That’s My Tomboy, mga lesbian o tomboy o tibo para sa balbal nitong tawag ang mga contestant; sa That’s My Tambay naman, puro lalaki ang sumasali at required na sumali. Kung iisipin, kapag tiningnan ang dalawang pakulo ng magkaibang palabas, pinapalitaw nito ang imahe ng kalalakihan o pagkalalaki. Sa That’s My Tomboy, nakikita o dapat makita ang isang lesbian bilang isang tunay na lalaki – sa pananamit at pagkilos ngunit ibang usapin pa ito. Sa That’s My Tambay naman, puro lalaki ang nakikita. Nagkakaroon tuloy ng kaisipan na mga lalaki lang ang tambay.

At dito nagsimula ang aking pagtatanong. Mga lalaki lang ba ang tambay? At ano nga ba ang kahulugan ng salitang, tambay?

Kapag tinanong mo ang iyong mga kaibigan kung ano ang kahulugan ng ‘tambay’, maaaring may tatlo o apat na bagay silang babanggitin.

Mula sa keepcalm-o-matic.co.uk

Mula sa keepcalm-o-matic.co.uk

Tambay

1. (pangangalan) Isang taong pagod kakapahinga o isang taong babad sa isang bagay na laging ginagawa.

Halimbawa: “Grabe ka naman, Junjun. Hindi ka na nga naghugas ng plato, tambay ka na lang lagi dyan sa harap ng computer.”

tambay2

2. (pangangalan) Isang tao na walang trabaho o hindi nag-aaral at nasa bahay lang magdamag.

Halimbawa: “‘Nay, tambay muna ako ngayon. Nawalan po ako ng trabaho.”

3. (pangangalan) Isang tao na nakatayo o nakaupo lang sa kalye. Sila ang karaniwang nabibigyan ng maling akala. Holdaper, magnanakaw, adik, bully at iba pang masasama ang laging nakakabit sa kanila.

Halimbawa: “Ikaw naman anak, wag ka ng pupunta sa kalsada. Mamaya, madamay ka pa sa mga tambay dyan kapag nagkanda-leche leche na.”

Mula sa blogforphilien.blogspot.com

Mula sa blogforphilien.blogspot.com

4. (pandiwa) Pagpunta sa isang lugar para magmuni-muni; pagpunta sa isang lugar para magpahinga, atbp.

Halimbawa: “Pare, tambay muna tayo dito. Daming chicks.” o “San ka nanaman pupunta? Tatambay ka nanaman sa kalsada?”

Kung pipiliin sa apat kung ano ang akmang kahulugan maaaring ginamit ng mga nagkonsepto ng That’s My Tambay, maaaring ang 1 at 2 na kahulugan ang pasok dito. Base sa mga kahulugan, masasabi na kahit sino, pwedeng maging tambay.

Ngunit bakit mga lalaki lang ang contestant sa That’s My Tambay ng Eat! Bulaga? May mga babae, bakla, tomboy, din naman na tambay. May mga babae, bakla, tomboy din naman na nahihinto sa pag-aaral o nawawalan ng trabaho. May mga babae, bakla, tomboy din naman na medyo tamad at minsan ay mas masipag pa ang mga lalaki? 

Hindi kaya nagkakaroon ng imahe na dahil lalaki, sila (kami) lang ang may karapatang madungisan? Kami lang ang laging napipintasan? Kung may nagawang kalokohan, sa lalaki lagi ang sisi. 

Kaya dapat, ayon sa aking pinaglalaban, magkaroon ng babae, bakla o tomboy na contestant sa may That’s My Tambay ng Eat! Bulaga. Tambay kasi, general term. Ang That’s My Tomboy, may pinatutungkulan. May specific na dapat sumali. 

Wag na magsabi na kababaeng tao, tambay? Kung mananalo naman para makatulong, bakit hindi di ba?

Advertisements
Comments
2 Responses to “Bakit walang ibang contestant sa ‘That’s My Tambay’ ng Eat! Bulaga bukod sa mga Lalaki?”
  1. anton says:

    there was one time were sinabi ni mr joey de leon na sa susunod eh that’s may tambayot, so mga bakla na nmn yung mga contestant tapos pra sa mga babae na tambay, sinabi nya na sa that’s my tambaye ata yun. i think last month tu nasabi ni boss Joey.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: