Si Bonifacio at ang kanyang hangaring maitama ang paggamit at pagbigkas sa kanyang pangalan

Ngayon ang ika-150 na kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio, ang dakilang ama ng himagsikan at isa sa mga tagapagtatag ng pinakamatagumpay at pinakamalaking organisasyon sa bansa, ang KKK o Katipunan. At dahil kaarawan niya, nararapat lamang na bigyan siya ng pagpupugay para sa kanyang mga nagawa sa lahing Pilipino – ang ipagtanggol ang bayan laban sa mga mananakop upang makamit ang kalayaan.

____________________________________________________________________________________________________

Maaga pa lamang ay nasa opisina na si Andy, isang reporter at writer ng dyaryong, Pilipino Heraldo. Kanina pa siya nakaupo sa kanyang lamesa ngunit wala pang dumadating na ka-opisina. Nagugutom na rin siya at medyo inaantok. Kumuha na lamang siya ng isang papel at ballpen at nagsulat ng kung ano-ano. Ilang mahabang minuto ang lumipas, naglakbay na ang diwa ni Andy.

Isang pampublikong panayam ang idinaos ng dyaryong, Pilipino Heraldo sa harap mismo ng Tutuban Mall, sa Maynila kani-kanina lamang bago magsimula ang Eat! Bulaga. Hindi lamang ito isang pangkaraniwang panayam kung saan magkaharap na nag-uusap ang dalawang tao. Dinagsa ito ng napakaraming tao upang makita ang kanilang idolo na si Andres Bonifacio. Narito sa ibaba ang transcript ng nasabing panayam.

Pilipino Heraldo: Magandang umaga po sa inyo, Senyor Bonifacio.

Andres Bonifacio: Magandang umaga naman at sa lahat ng mga naririto. Teka, pasensya ka na’t hindi ako nagpapatawag ng senyor sa aking pangalan. Napaka kolonyal na salita.

Pilipino Heraldo: Ipagpaumanhin po ninyo, Sen, este Gat. Bonifacio.

Andres Bonifacio: Mas tatanggapin ko pang wala nang senyor o gat sa aking pangalan. Lahat naman tayo ay pantay-pantay. Pwede mong gamitin ang ginoo kung hindi ka sanay na walang paggalang sa bandang iyon.

Pilipino Heraldo: Sige po, G. Bonifacio. Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa amin ng panayam. Unang-una po, kamusta na po ang inyong buhay?

Andres Bonifacio: Buhay ko ba kamo? Mabuti’t naitanong mo ‘yan. Nagpapasalamat ako ng lubusan sa mga taong patuloy na umaalala sa aking mga nagawa. Kung pagbibigyan nga lamang ng pagkakataon, gusto ko pang gumawa ng napakaraming bagay para sa bansa. Alam kong kulang pa.

Pilipino Heraldo: Isang malaking karangalan po ang kagaya ninyo na naghahangad pang tumulong sa bansa. Mabuhay po kayo!

Andres Bonifacio: (tumawa)

Pilipino Heraldo: Naku, tumawa si G. Andres Bonifacio. Isang pambihirang pagkakataon. Palakpakan!

(Masigabong palakpakan ang maririnig mula sa mga nanunuod).

Andres Bonifacio: Maraming salamat. Teka, naninibago ako. Hindi ako sanay na makarinig sa isang tulad mo ng malalim na pagsasalita ng tagalog. Mas gugustuhin ko pang marinig kung ano ang iyong nakasanayang paraan ng pagsasalita.

Pilipino Heraldo: Okay po.

Andres Bonifacio: Yan. Okay yan.

(Maririnig ang tawanan mula sa mga nanunuod)

Pilipino Heraldo: Sige po, G. Bonifacio. Iwanan po namin muna ang seryosong buhay n’yo. Gusto po naming maging masaya kayo sa inyong kaarawan.

Andres Bonifacio: Naku, kasiyahan. Gustong gusto ko ‘yan. Namimiss ko tuloy ang masayang panahon sa pakikipag-inuman sa aking kapatid na si Procopio at mga kumpare ko sa Katipunan.

Pilipino Heraldo: (tumawa) Hindi po inuman ang ating gagawin, G. Bonifacio. Maglalaro po tayo.

Andres Bonifacio: Maglalaro? (tumawa). Sana hindi yan temple run o badminton. Kailangan ko pa ng kaunting practice doon.

Pilipino Heraldo: (tumawa rin) Hindi po temple run o badminton ang lalaruin natin. Kundi picture game po. Magpapakita po kami ng mga larawan, huhulaan n’yo po kung saan ito makikita at ano ang masasabi n’yo.

Andres Bonifacio: Ah. Parang Picture Picture sa GMA 7? Naku, tuwing Sabado, yan lagi ang pinapanuod ko.

Pilipino Heraldo: Parang ganun po. Sige po. Simulan na natin. (Nagpakita ng larawan)

Larawan mula sa National Museum of the Philippines na kinuha mula sa http://xiaochua.net/

Larawan mula sa National Museum of the Philippines na kinuha mula sa http://xiaochua.net/

Andres Bonifacio: Napakagandang monumento. Balita ko’y sa Kaloocan ito matatagpuan. Dapat lamang na magpasalamat kay Guillermo Tolentino.

Pilipino Heraldo: Tama po kayo, G. Bonifacio. May maidadagdag pa po ba kayo sa larawang ito?

Andres Bonifacio: (nag-iisip) Wala naman. Wala.

Pilipino Heraldo: Sige po. Eto po ang susunod na larawan.

Andres Bonifacio: Mukhang ang daming magagandang gusali at pamilihan. May mga coffee shops pa. Sorry pero wala akong ideya sa lugar na yan.

Pilipino Heraldo: (medyo nagulat) Talaga pong hindi n’yo alam? Ito po ang Katipunan sa may Quezon City.

Andres Bonifacio: (natawa nang bahagya) Katipunan? Imposible! Sino kaya ang nagpangalan sa lugar na yan? Hindi lugar ang Katipunan, kundi isang organisasyon! At isa pa, balita koy’ mas kilala yan sa tawag na Katips.

Pilipino Heraldo: Pinangalanan po ang lugar na ito para po alalahanin ang orgnisasyong inyong itinatag. Hindi n’yo na po ba naaalala? Minsang lumagi po kayo malapit sa lugar kung saan nakatayo na po ito. At tama po kayo, tinatawag po ang lugar na ito na Katips.

Andres Bonifacio: Sana nama’y magkaroon pa ng bahid na dyan nga ako lumagi noong mga panahong palipat-lipat kami. Wala ka namang makikita, hindi ba? Ni wala ngang monumento na makikita.

Pilipino Heraldo: Kung sabagay po.

Andres Bonifacio: (napatawa) Pasensya ka na’t bumabalik uli tayo sa malalim na pagtatagalog. Sige, ano ang sunod na picture?

Pilipino Heraldo: Eto po.

Andres Bonifacio: (napaisip ulit) Saan naman yan?

Pilipino Heraldo: (muling nagulat) Hindi n’yo po ulit alam? Sige po. Magpapakita po ako ng isa pang larawan.

Andres Bonifacio: Ah. Fort Bonifacio. AFP camp noong unang panahon. Maraming salamat sa gobyerno sa pagpapangalan sa akin ng lugar na yan. Ano naman ung isang picture na un among pinakita? Parang Katipunan din.

Pilipino Heraldo: Ah ito po. Ito po ang Bonifacio Global City. Isang maunlad na lugar sa lungsod po ng Taguig.

Andres Bonifacio: Ah, yan ba ang naririnig kong BGC? Nakalulungkot. Okay n asana sa akin ang pangalan ng lugar na Bonifacio Global City pero pinaikli pa. Wala rin, hindi ba?

Pilipino Heraldo: Opo.

Andres Bonifacio: Tsaka pagkakaalam ko, mas sikat yan sa tawag na Global, hindi Bonifacio.

Pilipino Heraldo: Nakalulungkot din pong marinig.

(Biglang may sumigaw ng, “Mahal ka namin Andres Bonifacio” at nagpalakpakan ang mga tao)

Andres Bonifacio: Maraming salamat. Isang simpleng bagay pero dapat ipagpasalamat.

Pilipino Heraldo: G. Bonifacio, eto po ang huling larawan.

Larawan mula sa en.wikipedia.org

Larawan mula sa en.wikipedia.org

Andres Bonifacio: Bo-ni? Saan ‘yan? Di ko pa napupuntahan ang lugar na ‘yan.

Pilipino Heraldo: Ilang minuto lang po ang layo nito sa Bonifacio Global City. Nasa Mandaluyong po ito.

Andres Bonifacio: Talaga? Mukhang ginamit ang unang apat na letra sa apelyido ko.

Pilipino Heraldo: Medyo malapit nap o kayo sa inyong sagot. Opo, sa inyo po pinangalan ang lugar na ito.

Andres Bonifacio: Hindi ko ito matatanggap. Bibigyan na nga lamang ako ng daan o kalsada, papaiklin pa ang pangalan.

Pilipino Heraldo: Boni na po ang nakasanayang tawag ng mga tao sa lugar na ito.

Andres Bonifacio: Hindi ko nga ito matatanggap. Hindi Boni ang pangalan ko, kundi Bonifacio. Teka, alam ba ng mga tao na sa akin ito ipinangalan?

Pilipino Heraldo: May iilan po pero karamihan ay hindi alam.

Andres Bonifacio: Nakalulungkot. Kung binuo ang pagtawag sa lugar na iyan, malalaman marahil ng mga tao na sa akin iyan ipinangalan.

Pilipino Heraldo: Sige po, G. Bonifacio. Makakarating sa National Historical Commission of the Philippines ang inyong hinaing.

Andres Bonifacio: Maraming salamat. Ngunit hindi ko naman hinahangad ang magkaroon ng kalsada o lugar na ipapangalan sa akin. Gusto ko lang ay hindi makalimot ang mga tao sa aking mga nagawa at sa mga nagawa ng mga kapwa ko bayani noong panahong wala pang Facebook at kung ano ano pa.

(Tumahimik ang buong lugar kung saan ginaganap ang panayam, hanggang sa Tutuban Mall. Lalong lumakas ang speaker habang nagsasalita si Andres Bonifacio)

Andres Bonifacio: Mas magiging masaya siguro ako kung ipangalan na lamang ito sa mga bayaning hindi kilala ng mga tao, hindi naisusulat sa mga libro. Malungkot din kung nasusulat nga sa mga libro pero mali mali naman. Kahit pagkaitan na ako sa barya, sa kalsada o sa lugar, wag na wag lang pagkaitan sa alaala ng minahal kong kababayan.

Mga Taong Nanunuod: MAHAL KA NAMIN, BONIPASYO! (sabay palakpak kasabay ng hiyawan)

Pilipino Heraldo: (tumatawa) Hindi po, Bonipasyo! Bonifacio po!

Andres Bonifacio: (Kumakaway pa sa mga tao) Okay lang yan. Basta, sana hindi lang nila ako kilalanin sa pangalan. Maraming salamat sa’yo at sa Pilipino Heraldo.

____________________________________________________________________________________________________

Maya-maya’y may tumatapik na sa balikat ni Andy.

“Andy! Andy! Uyy”, tawag ni Catalina, isang ka-opisina.

Nagulat si Andy.

“Oh? Nananaginip ka ba?”, tanong sa kanya ng isa pang ka-opisina na si Gregorio na mahilig mang-asar sa kanya.

“Teka, nasan na si Andres Bonifacio?”, tanong ni Andy sa mga ka-opisina.

Humagalpak ng tawa ang dalawang ka-opisina.

“Anong si Andres Bonifacio?”, tumatawa pa rin si Catalina. “Walang Andres Bonifacio dito sa opisina.”

Bumalik na sa katinuan si Andy. Napapatawa rin.

“Nanaginip kasi ako na ini-interview ko si Andres Bonifacio sa may Tutuban Mall. Napakaraming tao. Maraming nagmamahal sa kanya”.

Tumatawa pa rin ang dalawa.

“Baka dinadalaw ka na ni Bonifacio. Hala ka”, si Gregorio na nagbibiro ulit.

“Baliw. Hindi no. Pero pwede rin.” sagot ni Andy. “Birthday ko naman kahapon eh. Sayang ka-birthday ko sana siya.”

“Oo nga no? Di ba sabi mo sa kanya ka pinangalan?”

“Oo. Yan din sabi sa akin ni Andy at siya rin ang dahilan kung bakit double pay tayo ngayon!”, sabi pa ng isa pa ni Catalina.

“Kaya magpasalamat tayo sa kanya. Sa lahat. Hindi lang sa double pay ngayon”, sagot ni Andy at nagtrabaho na sila.

____________________________________________________________________________________________________

Narito sa baba ang mga link ng pagpupugay kay Gat. Andres Bonifacio.

Bonifacio stamps issued to mark 150-years after his birth

Tribute of Philippine government

Isang video pubmat mula sa UP Lipunang Pangkasaysayan

Isang kumperensiyang handog ng PUP Manila

Bonifacio Day Celebration – “BONIFACIO @ 150, Bayanihan Tungo sa Kabayanihan”  – mula sa UP Vanguard at UP Corps of Cadet

Paki-komento ang inyong mga pagpupugay kay Gat. Andres Bonifacio.

Advertisements
Comments
One Response to “Si Bonifacio at ang kanyang hangaring maitama ang paggamit at pagbigkas sa kanyang pangalan”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Recommended Foreign Films

    C.O.G. starring Jonathan Groff

  • The Words starring Bradley Cooper

  • The Perks of Being a Wallflower starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

  • Stranger than Fiction starring Will Ferrel

  • Recommended Local Films

    Ang Nawawala starring Dominic and Felix Roco

  • Liars starring Alessandra de Rossi

  • Babagwa (The Spider's Lair) starring Alex Medina

  • Recommended Foreign Novels

    The Spectacular Now by Tim Tharp

  • The Perks of Being a Wallflower by Stephen Chbosky

  • Number the Stars by Lois Lowry

  • Recommended Local Novels

    El Filibusterismo ni Jose Rizal

  • Dekada '70 ni Lualhati Bautista

  • MacArthur ni Bob Ong

%d bloggers like this: